Amanda's POV
Nagising ako sa alarm clock sa gilid ng kama ko sa may table. Minulat ko yung isang mata ko habang nakapikit padin yung kabila. Pinatay ko yun at nag-unat una muna.
Sunday ngayon so meaning family day namin. Tuwing sunday, nagsisimba kami sa umaga pagkatapos kakain sa labas then mamamasyal.
Ngayon nga lang, buong pamilya na kami. Kasi nandito sila kuya. Kahit di sila nagsisimba, alam kong pipilitin sila ni mama. Di naman nila matitiis parents naman eh.
"Baby, wake up. The breakfast is ready!" Sigaw ni mama sa labas ng room ko. Di na ako sumagot naligo na lang ako tsaka nag-ayos. Pagtapos bumaba ako.
Pababa ako ng hagdan ng maalala ko yung usapan namin nila kuya kagabi. Kagabi, kahit natutulog ako alam kong umiiyak ako. Aish. Nako, baka namamaga pa mata ko. Anong sasabihin ko kila mama? Ah alam ko na!
Nakaupo na ako sa tabi ni kuya tristan. Kaharap ko si mama tapos sa gilid si daddy. Tinatry kong umiwas ng tingin sa kanila para mas madaling hindi nila makita mata ko.
"Nak, ba't namamaga mata mo? Wala namang ipis sa kwarto mo. Umiyak kaba?" Nako eto na nga ba sinasabi ko. Napatingin ako kila kuya, tumingin din sila saakin. Tapos tumingin ako kila mama at daddy sabay lunok.
"Uhmm.. hindi, ma. Nag-nagbasa po ka-kasi ako ng wattpad kagabi. Ma-may part po kasing nakakaiyak. Kaya hanggang sa pagtulog ko po, naiiyak ako." Ayan galing mo talaga amanda. Pang best actress! Napatungo naman sila mama at daddy.
Nakahinga naman ako ng maluwag. Tsaka ko na sasabihin na alam ko na yung totoo. Hindi muna ngayon, dapat ako muna. Kasi baka kapag nalaman nilang alam ko na yung totoo. Ipagpipilitan nilang ipakasal ako kay bryx.
Sa totoo lang, hindi ko alam kung gusto ko ba yung desisyon nilang ipakasal kami, ngayong alam ko na. Oo, mahal ko padin siya. Pero may hinihintay lang ako. Siguro, konting panahon pa? Hindi naman siguro agad agad ang desisyon diba? Mahihintay naman siguro ako ni bryx?
Sana... aish!
Bryxtone's POV
Kagabi, nung balitaan ako nila nathan na alam na ni trix ang totoo. Nabunutan ako ng tinik sa dibdib ko. Ewan ko pero ang saya ko.
Pero hindi naman ako umaasa na maibabalik agad yung meron kami noon ni trix. Pero sana talaga...
Kaya ko naman siyang hintayin hanggang sa maging okay na yung nararamdaman niya. Alam ko namang naguguluhan pa siya. Alam kong mahirap padin iproseso ang lahat.
Kaya ko siyang hintayin, kung noon nga ang tagal ko siyang binantayan. Ngayon pa kayang alam na niya? At may chance na akong maging akin siya ulit.
Easy kalang bryx, di mo pa nga nakakausap bibigyan mo agad ng chance sarili mo. Wag kang umasa, masaaaktan ka lang.
Ayan na naman yung konsensya kong isip. Alam ko naman yun, pero tong puso ko kasi masyado akong pinapaasa. Di bali, makakausap ko din si trix. Magiging ayos din ang lahat. Alam kong siya padin si trix na minahal ko.
"Hoy, dalian niyo naman. Kanina pa naghihintay si tita kath sa van oh." Sigaw saamin ni karl.
Sunday ngayon kaya nag-aya si tita kath magsimba tapos mamasyal. Kahit hindi naman kami nagsisimba, niyaya niya kami. Matuto daw kaming magpasalamat sa panginoon.
Nagsisimba naman ako eh. Naalala ko pa nung inaya ako ni trix sa may simbahan sa korea. Nung una talaga, ayoko baka kasi pagpasok ko dun masunog ako. Tinawanan niya ako tapos binatukan.
Sabi niya dapat daw matuto akong magsimba at magpasalamat sa panginoon araw araw. Dahil siya daw nagbibigay ng buhay at lakas saamin.
Nung araw na yun, natuto na akong magsimba. Kaya every sunday nagsisimba kami ni trix. Doon din ako natutong magpasalamat, magpasalamat kasi binigay niya saakin si trix.
Si trix kasi ang ligaya ko noon. Pero nung naghiwalay na kami. Hindi narin ako nagsisimba, nawala nadin yung kaligayahan ko.
Sa totoo lang, si trix ang first love ko. First heartache. Siya kasi yung tipo ng babae na, madaldal. Kahit di kayo close, kakausapin ka niya. Kahit rinding rindi na yung kinakausap niya, daldal padin siya ng daldal.
Si trix lang yung naglakas loob kausapin ako. Wala kasi akong kinakausap noon, pwera nalang sa mga kagrupo ko. Nung mga bata kami, magkakasama kami ng mga kuya niya tapos yung ibang kababata namin.
Natutulog ako sa ilalim ng puno, tapos lumapit siya saakin. Sabi niya bat daw wala akong kinakausap. Baka daw napapanis na yung laway ko. Di ko siya iniimik nun. Pero daldal padin siya ng daldal.
Napapangiti ako ngayon dahil sa naaalala ko. Natauhan ako ng tapikin ako ni kurt sabi niya nasa simbahan na kami.
Bumaba kami tapos sinundan si tita kath. Si tita kath, mama ni sabrina. Kapatid ng mama nila trix. Kasama namin siya kasi close talaga kami sakanya, kahit sa mama nila trix. Para nga silang mga teenager eh.
"Sister! Nandito pala kayo!" Sigaw ni tita kath, kay? Kay tita zoe! Hala! Edi nandito din si... hala!!!
"Sister!!! Ang dami mo namang budy guard. Hahaha!" Natawa kami sa sinabi ni tita zoe.
"Oo nga eh. Eto kasing mga lalaking to, di marunong magsimba. Kaya sinama ko."
"Hay nako. Kahit sila vince. Kaya nga kasama namin ngayon eh. Kayo talagang mga lalaki oh. Tara na sabay sabay na tayo pumasok."
"Nasan na nga pala sila, sis?"
"Ayan parating na. May kinausap lang yung mag-ama ko. Nga pala, nasan si sab? Bat di mo kasama?"
"May gig sila ngayon."
Nag-usap lang silang dalawa. Tapos dumating na sila tito Ivan.
"Ma!! Oh, tita kath. Hello!!!" Bumeso siya kay tita kath. "Nasan po si sab?" Tanong niya kay tita kath.
"May gig siya ngayon, trix. Pero susunod siya sa family dinner."
"Waaahhh~ oo nga pala. Di ko siya nasamahan. Sige tita, kung sa bahay na lang kaya tayo mag dinner? Diba? Ngayon nalang ulit yun."
"Oo nga, sis. Oh sige papaluto nalang ako kay yaya linda. Tara na pasok na tayo." Natatawa silang pumasok na dalawa.
Napatingin saamin si trix. Sabay wave at ngumiti "hello, nanjan pala kayo. Tara pasok na tayo?" Sabi niya sabay pasok. Sumunod kami sakanya, pero bago kami pumasok. Inasar ako ng mga kasama ko.
"Bait na ngayon ni, trix noh? Ano kayang nakain nun?"
"Baka bumabalik na yung dating amanda."
"Edi masaya. Wala nang mananaray saatin."
"Hoy tumahimik nga kayo, pasok na tayo."
Nauna na akong pumasok at sumunod sila. Grabe tong mga to, big deal ba yun? O sadyang excited lang sila?
"Di na ako makapaghintay na bumalik si amanda sa dating siya. I miss the old her." Bulong saakin ni tito Ivan. Tumingin ako sakanya, nanagtataka.
Ngumiti siya at saka tinap yung ahoulder ko. "Alam ko lahat, bryx. Simula nung naghiwalay kayo hanggang sa malaman niya. Lahat ng nangyari sainyo alam ko." Nagulat ako sa sinabi niya. "Pero hindi ako galit sayo. Di ko sinasadyang marinig yung usapan nila kagabi. Alam ko nadin yung dahilan niyo. Salamat kasi, iniisp mo yung kaligtasan ng anak ko, kahit ang kapalit non. Ay masaktan kayong dalawa. Wag mong isuko si, trix ha? Alam kong naghihintay lang siya ng oras pa. Hintayin mo siya. Hintayin mo ang anak ko." Ngumiti siya saakin at umupo na sa tabi ni tita zoe.
Unti unti akong napangiti. At dumiretso na sa upuan ko.
Onti onti na akong nagkakalakas ng loob makuha kalang trix.
Hihintayin kita, magiging akin ka ulit.
BINABASA MO ANG
Arrange Merriage (On Going)
Teen FictionSi amanda beatrix na nasaktan sa nakaraan. At nagpakalayo layo. Pero sa isang iglap, ang mga nanakit sakanya ang lumalapit sakanya. Paano kaya kung bumalik si bryxtone dahil sa isang rason? Paano kung magkita sila bumalik lahat ng nararamdaman niya...