Amanda's POV
taas noo akong naglalakad papuntang tambayan namin. Nakasunod lang saakin ang idiots.
"Malapit na acquitance ah? May balak ba kayong magsi-attend?" Tanong saamin ni alliah pagkaupo namin dito sa bench.
"Oo naman. Kayo ba?" Sagot ni gwen and shai. Sumang-ayon naman yung lima.
"Ikaw ba, trix?" Tanong nila saakin. nagkibit balikat na lang ako. Dahil ako mismo hindi ko alam kung aattend ako or what.
"Umattend ka! May ari ng school hindi aattend? Sus. Hindi magiging masaya ang gabi nun kung wala si amanda beatrix. Hahahaha!" Nagsipag apir naman sila.
Tama, hindi sasaya ang party kung wala ako. Pero hindi ko alam kung makakapagsaya ba ako nun. Psshh.
Habang nagkwekwentuhan sila, may narinig kaming nag-aaway sa may field. Malapit lang naman kasi yung tambayan namin sa field namin eh. Ang lakas pa ng mga sigawan.
"May nagrarambulan ata sa school mo ngayon, trix." Napataas ang kilay ko dahil ayoko sa lahat ang may nag iingay at nag-aaway away. Nasisira ang pangalan ng school.
Naglakad kami papuntang field. At pagdating namin dun nagkukumpulan ang stupident's. Habang tinatanaw namin, may binubully sila.
Nag-init agad ang ulo ko. Ayokong nakakakita ng ganito. AKO LANG ANG PWEDENG GUMAWA SAKANILA NG GANYAN PERO HINDI KO NAMAN GAGAWIN YUN. at wala din silang permisyon nagawin yan, lalo na dito sa school ko.
"TABI!" sigaw ko dun sa mga nakaharang na stupident. Agad naman silang napatingin saakin at tumabi.
Nang makarating ako dun sa harapan ng nang bubully at ng binubully. Agad silang napatingin saaking lahat.
Tinaasan ko ng kilay yung mga nambubully. Aba mga varsity man din sila ng volleyball pero sila tong nangungunang mambully.
"SINONG MAY SABING MAY KARAPATAN KAYONG MAMBULLY DITO SA SCHOOL KO?!" Sigaw ko sa mga echoserang to. "Varsity kayo diba? Baka gusto niyong ipatanggal ko kayo sa pagiging varsity niyo?" Napatingin sila agad saakin na akala mo mga maaamo sabay sabay silang umiling. "Pwes. Sa ayaw at sa gusto ninyo, matatanggal kayo sa pagiging varsity." Nanlaki naman ang mata nila. Napangisi ako.
"That's an order. Iba pa ang makukuha niyong punishment." Tumingin ako sa binully nila at hanggang ngayon nakaupo padin siya, mukha siya kawawa. "Oh ikaw? Hindi ka pa ba tatayu jan? Mukha kang tanga." Tumayu naman siya at agad nag bow saakin. Tumingin ulit ako dun sa mga palakang akala mo kagandahan. "Kayo! Oras na ng paghihirap niyo. Linisin niyo yung buong c.r doon sa gym. Linisin niyo din yung bagong room sa may academic building. Gusto ko ngayon niyo na simulan. Kapag tinignan ko yun bukas ng hindi kagandahan. Dadagdagan ko ang punishment niyo!" Literal padin silang nakanganga.
"Pero miss amanda-" aangal pa dapat tong isa gusto atang madagdagan pa.
"No buts, may marinig pa akong umangal, dadagdagan ko yan. Ano pang hinihintay niyo? Magsimula na kayo!" At agad nilang pinulot ang mga gamit nila. "Ano? Bully pa more." Napairap nalang ako ng umalis sila. Napatingin ako sa mga taong hindi padin umaalis.
"Kayo? Tapos na yung show!" At agad naman silang nagsialisan.
Kung ayaw mong maparusahan, sumunod ka sa 'amanda's rules' ayokong may naghahari harian at rereyna reynahan dito sa school ko.
May mga lalaking nagpapalakpakan at papalapit saamin. "Wow, trix. Improving kana ha? That's my sister." I just rolled my eyes on him. Wala namang sense kung makikipag-usap ako dito.
"Mukhang sobra naman ata yung parusa mo dun sa mga yun, trix?" Tanong saakin ni seven.
"First of all, wala kang karapatang kwestsunin ang gusto ko. Second, siguro naman sa dalawang linggo niyo dito sa school nato alam niyo na yung rules?" Sagot ko sa tanong niya.
"Woah~ easy ka lang. Nagtatanong lang naman eh. Init ng ulo agad." Depensa niya.
"Whatever." Inirapan ko nalang sila at umalis. Sinasayang ko ang mahal kong oras sakanila.
Papunta ako ng parking, ng may humawak sa kamay ko. Pagharap ko sakanya, nagulat yung mukha ko. Wow, sa tagal ng panahon ngayon niya na lang ulit ako hinawakan.
"Can I talk to you?" Tanong niya. Bahagya ako natawa pero yung pekeng tawa.
"Wala tayong dapat pag-usapan, jericho." Aalisin ko na dapat yung kamay ko pero lalo niyang hinigpitan.
Humarap ako sakanya ng may pagkairitang mukha. "Ano ba yun? Mahal ang oras ko." Iritang sabi ko.
"Pwede bang dun nalang sa SB malapit dito sa university?" Tanong niya.
"Naghihintay yung driver namin." Sagot ko. Ayoko talaga siyang kausapin. Pero totoong naghihintay.
"Tatawagan ko nalang tapos ako na maghahatid sayo." Sasagot palang sana ako pero bigla nalang niya akong hinila sa kotse niya. Makulit din lelang neto eh noh?
Nang makarating kami ng SB tinanong niya saakin kung ano gusto ko pero nagpumilit padin.
"1 javi chip and 1 coffee jelly for mr J." Sabi dun sa counter. Lumapit si jericho para kunin, paglapit niya saakin nilapag niya na yung javi chip na order ko.
"Namiss ko to... i miss you my bestfriend." Nakangiting sabi niya sakin. Tinignan ko siya pero agad kong binawi. Medyo akward.
"Ano ba kasi kailangan mo? At anong sasabihin mo?" Pag-iiba ko. Huminga siya ng malalim saka nagsalita.
"Gusto ko lang, humingi ng sorry." Huminga ulit siya ng malalim saka nagpatuloy. "Dun sa... nakaraan.. alam ko fresh padin sayo, dahil first love and first heartache mo si bryx. I'm sorry, trix kung wala akong nagawa noon... alam ko galit ka, kasi alam mong kasala din ako sa plano nila. Trix, sana maging handa kana. Maging handa kana, sa katotohanan. Trix, it's been a year. Please, open your heart and mind. Alam ko gusto mong malaman ang totoo pero hindi ka pa handa. Trix, I miss the old you. Yung masayahing amanda, yung mapagmahal, yung sweet. The way you smile, yung totoong ngiti. Yung walang galit at sakit na namumuo sa pagkatao niya." Huminga ulit siya ng malalim saka tumingin sa mga mata ko.
"Trix, sana kapag handa kana ulit buksan yang puso't isip mo... bumalik kana sa amanda na kilala ng lahat. I'm sorry for not staying by your side when you need me. I'm sorry.. pero sana wag mong isipin na kinalimutan na kita. Ikaw padin yung bestfriend kong matakaw." Natawa siya dun sa huli niyang sinabi. Bahagya akong napangiti.
"Tara na gabi na oh. Baka bigla nalang akong sapakin ni kuya tristan." Natawa kami parehas dun. Nung nasa tapat na kami ng gate. Pababa na sana ako ng kotse niya pero may sinabi pa siya.
"Sana maging handa ka na, trix. Hinihintay nalang namin yung kapatawaran mo at yung pagbabalik mo, lalo na si bryx. Goodnight, trix. Thankyou sa time." Lumapit siya saakin para halikan yung noo ko. Pagbaba ko sa kotse ni jericho, umakyat ako sa kwarto, nahiga at tumitig sa kisame.
Handa na ba ako?
BINABASA MO ANG
Arrange Merriage (On Going)
Genç KurguSi amanda beatrix na nasaktan sa nakaraan. At nagpakalayo layo. Pero sa isang iglap, ang mga nanakit sakanya ang lumalapit sakanya. Paano kaya kung bumalik si bryxtone dahil sa isang rason? Paano kung magkita sila bumalik lahat ng nararamdaman niya...