Bryxtone's POV
Tumakbo ako papalapit sa direksyon nila trix saka ko siya binuhat habang nakayakap at inikot ikot siya.
"Yehey!! Congrats mickey ko!" Bati niya saakin at niyakap na naman ako.
Sobrang saya ko dahil nanalo ang team namin.
Dahil siguro may inspiration ako.
"Thank you, piggy ko. I love you." Bulong ko sakanya habang magkayakap padin kami.
Hinalikan ko yung gilid ng ulo niya. "Salamat piggy ko, dahil sayo nagkaron ako ng lakas."
Kumalas siya sa pagkakayakap saakin pero hawak ng dalawa kong kamay ang bewang niya.
Hinawakan niya yung magkabilang pisngi ko saka ako nginitian. "Salamat dahil binigay mo lahat ng lakas mo. Pati ng basketball team niyo. Dahil sa pagod niyo kaya nanalo ang school." Niyakap niya ako. "Thank you, mickey ko. Dahil ako ang ginagawa mong lakas sa tuwing nanghihina kana."
Natawa ako ng bahagya sa sinabi niya. Tama siya dahil siya lang ang nagpapalakas saakin.
Kapag wala siya, paniguradong hinang hina ako ngayon.
"Oy lovers. Mamaya na kayo maglambingan. Tara sa clubhouse!" Sigaw saamin ni vince.
Panira tong tandang to. Sana pala pinapunta ko si ate.
"Tara na mickey ko. Baka kumulubot pa balat ni kuya. Hihi" sira ulo din tong girlfriend ko.
Ginulo ko buhok niya saka ko siya inakbayan.
Gwyneth's POV
"Beshie, una na ako ha? Ngayon kasi naka schedule yung pagmemeet namin ng unggoy kong fiáncé daw. Pssh!" Natawa si trix sa sinabi ko.
"Ikaw talaga. Ni hindi mo pa nga nakikita malay mo handsome boy pala." Asar naman saakin ni sabrina.
"Kahit ano pang itsuta nun, ayoko padin! Dahil hindi ko tanggap na ipapakasal ako sa hindi ko mahal! Pwe! Bye. Wag kayong masyadong magpakalasing may pasok pa bukas! Pasabi sa tatlo na una na ako!" Paalam ko sakanila saka bineso silang dalawa.
Yung tatlo kasi nagpaparty na sa dance floor. Ayoko naman nang makigulo dun. Ang ingay pa pfft.
Wala ako sa mood eh. Bukod sa meron ako, ngayon ko mamemeet yung unggoy na fiáncé ko daw.
"Hatid na kita."
"Ay kabayong may bangs!"
"Hahaha. Sorry nagulat kaba?"
"Ay hindi. Joke lang yun."
Irap ko sakanya at nagpatuloy sa paglalakad. Umakbay siya saakin saka ako sinabayan sa paglakad.
"Bakit ang sungit mo ata?"
"Alam mo naman kung bakit."
"Ah, oo nga pala."
Buti naman at na-gets din niya.
"Bakit ka nga pala umalis sa party?" Tanong ko sakanya.
"Nakita kitang lumabas eh. Kaya sinundan kita."
"Hindi mo naman-" pinatahimik niya ako gamit ang kamay niya.
Tinapat niya kasi sa bibig ko.
"Hindi ko hahayaang bumyahe ka mag-isa ng ganitong kadilim. Kahit sabihin mo pang malapit lang at kaya mo na."
Ewan ko pero namula mukha ko at nakaramdam ako ng paru-paro sa tiyan ko nang sabihin niya yan.
"Saka nga pala. Pupunta rin ako sa dinner ng pamilya ko. Ipapakilala nadin saakin yung babaeng ipapakasal saakin." Inalis niya pagkakaakbay saakin ng makarating kami sa tapat ng kotse niya.
BINABASA MO ANG
Arrange Merriage (On Going)
Teen FictionSi amanda beatrix na nasaktan sa nakaraan. At nagpakalayo layo. Pero sa isang iglap, ang mga nanakit sakanya ang lumalapit sakanya. Paano kaya kung bumalik si bryxtone dahil sa isang rason? Paano kung magkita sila bumalik lahat ng nararamdaman niya...