Bryxtone's POV
Naglalakad ako sa corridor pa punta ng locker ko. May practice kami ng basketball, ilalagay ko lang tong mga libro ko.
May locker din kami sa gym pero para lang yun sa mga damit namin. Kunwari extra t-shirt mga ganon.
Nung malapit na ako sa locker, nakita ko si trix nakatalikod siya sa direksyon ko, kasi may nilalagay ata sa locker niya.
Napangiti ako kasi nakita ko na naman siya. Hindi man niya mapakita saakin yung nararamdaman niya kung naappreciate niya ba o hindi yung ginawa ko sakanya kaninang umaga hanggang hapon. Okay lang sakin, atleast nagawa ko yung gusto kong gawin.
Pero natatakot ako baka ibalik niya saakin yung teddy bear. Alam ko gustong gusto niya yun, sabi ni tristan madami pa daw siyang stuff nun eh. Di pa daw niya pinagsasawaan. Pinaglihi kasi si trix sa baboy na pink. Ayan tuloy konti nalang kahawig na niya. Dejoke lang, siya naman yung magandang baboy na mahal ko.
Galing mo talaga bryx. Pero teka, ano bang tinutunganga ko dito? Lumapit ako sa locker na katabi lang ng kaniya. Paglapit na paglapit ko, napatingin siya saakin at nagulat akala mo nakakita ng multo. Pero umiwas agad siya ng tingin.
Napapalunok ako kasi baka ibato niya saakin yung teddy bear.
"Uhm..bryx.." ayan na nga sabi ko na nga ba. Nako bryxtone humanda kana! "Thanks.." teka, ano daw? "Thank you sa breakfast kanina. Dun sa adobong niluto mo, saka sa pink rose... pati nadin... dito.." tinaas niya yung piggy teddy bear para makita ko. Tapos ngumiti siya... ngumiti siya!!! Hala!!! Okay bryx, kalma. Maliit na ngiti lang naman pero masaya na ako atleast napangiti ko siya.
"Wa-wala yun..." tae naman, nakakabakla ha?
"Ba-bakit mo nga pala ginawa yun?"
"Ha?" Tanga lang bryx?
"Yung kaninang umaga hanggang dito sa teddy bear?" Ginagawa ko to, dahil gusto kong mapakita sayo na seryosong seryoso talaga ako na gusto kong maangkin ka ulit.
"Uhhmm..gusto ko lang.." napakamot ako sa batok. Tanga ka talaga bryx, ano yun? Babaw mo ha!
"Ah.. uhm, sige una na ako ha? Baka ma-late ka sa practice niyo. Kasi narinig ko sila kuya kanina may practice daw kayong varsity eh. Thankyou ulit dito. Sige, bye." Nagwave siya saakin saka tumalikod na at nag-umpisa nang maglakad pero bago siya makalayo, may sinigaw ako.
"HINDI LANG NGAYONG ARAW KA MAKAKATANGGAP NG MGA GANYAN, TRIX. ASAHAN MONG ARAW ARAW MAY SASALUBONG SAYO SA UMAGA NA PAPER BAG, AT PAGPASOK MO MAY NAKAUPO NA SA UPUAN MO SA ROOM, AT MAY MAKIKITA KANG NOTE SA LOCKER MO, NA MAY KASAMANG CORNY NA BANAT! INGAT KA SA PAG-UWI, MY PRINCESS." Nagwave ako sakanya kahit nakatalikod padin siya. Hindi ko na siya inintay humarap nanigas na ata si trix. Pero seryoso, late na kasi ako sa practice baka parusahan lang ako ni tristan. Siya kasi captain eh.
Hassle maging captain, kaya pinasa ko sakanya. Pero hindi paman din ako nakakalayo layo dun sa locker biglang sumigaw si trix dahilan mapangiti ako.
"SALAMAT MICKEY MOUSE! AASAHAN KO YUN! INGAT SA PAG-UWI LATER! BYEEEIII!" Nilingon ko siya pero paalis na din siya. Umiling ako habang nakangiti.
Di niya padin nakakalimutan ako sa boy mickey mouse. Hahaha! Kung siya ay si girl piggy, ako sa boy mickey. Oh diba, perfect!
Kahit matagal akong maghintay sayo, beatrix. Hindi ako mapapagod, lahat naman kaya ko para sayo. ♡
Mababawi din kita.~
Ethan's POV
Woooohhhh~ ang pogi ko talaga kahit pinagpapawisan.
Nagselca ako para i-post sa instagram. Caption: wet look bibeh! #baskteball♡ grabe pawis ko ha. Ilang araw ba ako di nagpapawis? Tss. Pero ayos lang gwapo padin ako.
"Hoy, ethan! Magshower ka na dun. Picture ka ng picture jan! Dalian mo, uuwi na tayo. Gusto ko nang matulog!" Para ano naman tong si kuya vince. Kj, porket mas gwapo ako sakanya.
Nagpunta akong shower room para magshower. Naabutan ko dun naliligo si bryxtone. Pakanta kanta pa si loko, parang tanga.
"Hoy!" Nagulat siya sa pagtawag ko sakanya. Ano? Kanta pa more.
"Gago ka naman ethan. Panira ka ng moment." Sabi niya saka nagpatuloy lang sa pagligo.
"Moment ka jan. Ano? Akala mo nasa music video ka? Ulul, maliligo ka na lang nagfefeeling kapa." Depensa ko sakanya, saka nagshower na.
"Tanga, sabi ko bang feeling ko nasa music video ako? Hindi ba pwedeng dinadamdam ko lang yung pag-uusap namin ni beatrix kanina." Wow, hanep! Kaya pala feel na feel pagkanta kanina.
"Nililigawan mo ulit kapatid ko?" Tanong ko sakanya. Tapos para siyang baliw na napangiti.
"Parang ganon na nga, pero hindi pa niya alam. Pinapakita at pinapadama ko lang. Saka di pa naman niya ako napapatawad. At di ko pa siya nakakausap kung pinapatawad na ba niya ako." Nagpunas siya ng towel saka yun binalot sa baba niya.
"Edi kausapin mo, gunggong!" Napangit siya saka ako sinagot.
"Saka na, kapag handa na siyang kausapin ako ng misinsinan." Lumabas na siya para magbihis ata.
Nako, dami talagang nangyayari kapag love na pinag-uusapan. Sus, buti pa ako chill lang.
Gwapo ako, pero wala akong girlfriend. Dahil gastos lang sila.
Madami rin namang naghahabol saaking chicks, kahit sexy sila, di ko sinasayangan ng oras. Mas gusto ko yung malaman, kahit tumaba wala siyang pakialam.
Gusto ko yung, sapat na siya kung ano man siya. Yung walang arte sa katawan.
Hay nako, makapagbihis na nga.
BINABASA MO ANG
Arrange Merriage (On Going)
Teen FictionSi amanda beatrix na nasaktan sa nakaraan. At nagpakalayo layo. Pero sa isang iglap, ang mga nanakit sakanya ang lumalapit sakanya. Paano kaya kung bumalik si bryxtone dahil sa isang rason? Paano kung magkita sila bumalik lahat ng nararamdaman niya...