Amanda's POV
Pababa ako ng hagdan ng makasalubong ko si kuya nate. Ngumiti siya at nagdiretso na sa kwarto niya.
Hindi ko nalang pinansin at nagpunta na nang dinning.
"Oh, gising kana pala. Mag-impake kana." Bungad saakin ni mama. Napakunot noo ako sakanya.
"Bakit, ma? Pinapalayas mo na ba ako? Dahil kami ulit ni bryx? Ma, mahal namin ang isa't-isa! Intindihin niyo naman ako! Nagmahal din naman kayo diba?! Wala naman akong ginagawang masama ah! Bakit-" humalampak sa tawa ang nanay ko. Hala baliw na ata to. Nasan na ba ang daddy ko?!
Tumawa siya ng tumawa hanggang sa kabagin siya, dejoke lang. Huminto siya sa kakatawa saka umupo at maya maya kumalma nadin siya. "Anak, hindi mo naman sinabi saakin na joker kadin pala noh? Nagmana ka sa kuya ethan mo. Ang OA magreact hahahahaha! Jusko mga anak ko talaga oh!" Tumawa na naman si mama kaya napairap nalang ako.
"Ma, lasing kaba? O naka-drugs?" Napatigil siya ng tawa saka ako hinagisan ng tissue.
"Anak ka talaga ng tatay mo!"
"Hahahahaha! Kasi tawa ka ng tawa. Bakit mo nga ba ako pinag-iimpake?" Ngayon ako naman tawa ng tawa. Anla! Anong meron sa pamilya namin? Nahawaan kami ni kuya ethan. Hays
"Eh kasi nga, dumating si kuya mac mo. Gusto nila kayong makita. Saka para makapagbakasyon nadin kayo ng mga kuya mo. Saka anong sinasabi mo jan napapalayasin kita dahil kayo ulit ni bryx? Nako anak, hindi noh! Sooner or later magiging son-in-law nadin namin siya ng daddy mo. Hihi"
"Hay nako, ma. Sa susunod kumpletuhen mo kasi yung sasabihin mo. Pero teka ba't kami lang? Ba't di ka kasama? Saka, ba't hindi nalang siya magpunta dito?"
"Gaga. Alam mo namang may pamilya na si mac diba? Saka baby pa si jus. Hindi pa pwedeng magbyahe yun, ano kaba! Saka bago yung bahay nila. Pwede kayo mag-overnight. Natext ko na siya, kaya okay na lahat, ikaw nalang hindi. Hindi kami pwede ng daddy mo dahil may bussiness trip kami ngayon sa japan."
"Sabagay. Okay na din para makita ko sila kambal. Anong ako nalang hindi? Kailan ba aalis?"
"Ikaw nalang hindi dahil ang mga kuya mo ayos na. Kagabi lang nila nalaman, eh ikaw nakanganga kana nung dapat sasabihin ng kuya vince mo. At ngayon, ngayon na kayo aalis kaya mag-ayos kana. Para mas maaga kayo magbyahe dahil wala masyadong traffic."
Napanganga ako sa mahabang sinabi ni mama. Pero, umakyat ako para mag-impake.
Naalala ko si bryx, friday kasi ngayon at meron kaming date. Kaso aalis nga pala kami, kinuha ko ang phone ko para sana magtype pero nauna nang magtext si bryx.
Dumaan ako jan kanina sa bahay niyo, sabi ni tita zoe mag-travel daw kayo nila vince papuntang province niyo. Ingat ka dun, my princess :) have a safe trip! I love you :* -mickey mouse<3
Napangiti ako saka nagreply.
Sorry, bryx ha? Ngayon ko lang din nalaman. Pagbalik ko date na tayo ha? :') thank you. Ingat ka din, okay? Kumain sa tamang oras. I love you too :* -piggy<3
Nilapag ko yung phone ko sa study table saka pinagpatuloy ang pag-iimpake.
Nasa byahe kaming anim at syempre ang pinakaMATANDA ang nagmamaneho.
"Kuya, kain muna tayo! I'm hungry!!!!!" Pagmamaktol ni kuya ethan.
"Oo nga, kuya. Najijingle nadin ako eh." singit naman ni kuya bryan.
"Ako na uuhaw, stop over muna tayo, tol." Sabi naman ni kuya tristan.
"Ako? Kailangan kong magretouch. Saka sige na nga, gutom nadin ako. Hihi" nag-apir naman kami ni kuya ethan sa sinabi ko.
BINABASA MO ANG
Arrange Merriage (On Going)
Teen FictionSi amanda beatrix na nasaktan sa nakaraan. At nagpakalayo layo. Pero sa isang iglap, ang mga nanakit sakanya ang lumalapit sakanya. Paano kaya kung bumalik si bryxtone dahil sa isang rason? Paano kung magkita sila bumalik lahat ng nararamdaman niya...