Amanda's POV
Naunang pumasok sila kuya dahil tutulungan nila si kuya nate sa surprise niya para kay shaileen.
Ngayon kasi niya ibubunyag sa campus ang about sakanilang dalawa. Natauhan kasi siya sa sinabi ko. Hays
Kasabay ko si bryx ngayon papasok. Kinuwentuhan niya ako about sa practice nila ng baskateball.
Tuwing nagprapractice daw sila pinapractice din daw ni kuya nate ang sasabihin niya para kay shaileen at sa buong hogwards mamaya.
Nakoooo. Tsktsk. Pinanganak na womanizer tapos may pagkatorpe? Iba talaga kapag nagseryoso eh.
Nagpark na si bryx nang makarating kami sa hogwards.
"Siguro kabadong kabado si nate ngayon. Hahaha! First time niyang ipagsisigawan sa madaming tao kung sino ang mahal niya. Kung kanino siya seryoso." Tumawa siya sabay akbay saakin. Natawa din ako dahil naiimagine ko itsura ni kuya habang kinakabahan.
"Oo nga noh? Hahaha. Picturan ko nga mamaya. Ay! Video-han nalang pala, tapos ipopost ko sa ig malamang makikita yun ng page ng hogwards. Hahaha tapos boom! Kalat na agad!" Parehas kaming tawang tawa dahil sa iniisip ang itsura ni kuya nate.
"Ang epic siguro nun hahaha!" Tumatawa padin kami pero tumingin siya saakin. "Kaso piggy ko, parang ikaw din yun. Hahahaha! Magkamukha kayo eh. Edi epic din pala itsura mo kapag may surprise akong ginawa sayo. Hahahaha!" Kung kanina tawang tawa siya, ngayon MAS lalong tawang tawa.
Nagpoker face ako saka ko siya nilagpasan. "Hahaha! Wait lang naman piggy ko, joke lang yun. Hahahaha! I love you." Hindi ko siya pinansin at nagtuloy tuloy lang, nakarating kaming hallway pero tawag siya ng tawag sakin. "PIGGY KO!!! I LOVE YOU!!! I LOVE YOU!!! HAHALIKAN KITA PAG HINDI KAPA TUMIGIL!" Umirap ako kahit hindi niya nakikita. Yung ibang student napapatingin naman saamin pero mga kinikilig.
Hindi ko padin siya nilingon. Pero nagulat ako ng bigla siyang sumulpot sa harapan ko saka...
*chup* "sabi ko sayo eh. Ayaw mong tumigil para mahalikan kita noh? Ikaw ha." Tinusok tusok niya ako sa tagiliran saka ako pinagtawanan. "Why are you blushing, my piggy? In love ka na naman saakin?" Kinindatan niya ako saka na naman tinusok tagiliran ko saka siya tumawa ng tumawa.
"Ewan ko sayo! Kabagin ka sana jan!" Tumawa na naman siya kaya iniwan ko ulit. Pero nahabol niya ko saka hinawakan kamay ko.
"OMG!! bagay talaga sila hays"
"Sinabi mo pa!"
"TrixTone!!"
"Yiiiieeee~"Ayan ang mga naririnig ko sa paligid. "Piggy ko, hindi kaba kinikilig? TrixTone daw oh. Ang cute" tumingin ako sakanya saka natawa sa itsura niya. "Bakit? na-cute-an ka na naman saakin noh?" Umirap ako pero natatawa padin.
"Hangin mo rin noh?" Nagpout siya saka binitawan kamay ko at huminto. "Oh? Problema mo?"
"Hindi ako cute?" Unti unti akong natawa sa sinabi niya. Humawak na ako sa tiyan ko sa sobrang tawa.
"Seriously mickey ko? Hahahaha!" Tawa ko ng tawa kaya nauna siyang maglakad. "Ah ganon? Wino-walkout-an mo na ang maganda?" Natigil ako sa pagtawa at humarap sakanya kahit nakatalikod siya. Nagcross arms ako saka tinaas ang kilay.
Unti unti naman siyang humarap, at nakita ko reaksyon ng mukha niya. Para bang humuhugot ng reason. Hahaha! Nagpipigil ako ng tawa para kunwari galit ako. Napakamot siya sa ulo niya saka lumapit ng konti saakin. "Ikaw naman kasi piggy ko, lakas ng trip mo." Hindi ko na napigilan ang pagtawa ko. "Tignan mo na. Akala ko naman galit ka. Ewan ko sayo!"
Hinawakan ko kamay niya bago siya makaalis. "Eto naman, parang binibiro kalang." Hinawakan ko yung pisngi niya. "Alam mo, kahit hindi ka cute. Ikaw padin ang pinaka-cute na nakilala ko. Kahit sino o ano kapa, mahal kita. Kaya sa susunod, hayaan mong ako maunang magsabi sayong cute ka o ano. Hahahaha! Pero hindi ko naman sinasabing hindi ka cute. Ang pogi pogi mo nga eh. Saka isa pa, parehas tayo ng ngiti. Ang cute cute ng mata mo, yung labi mo. Saka yung ilong mo. Kahit anong meron ka, kuntento na ako dun. Kasi ikaw yan, ikaw yung bryxtone na minahal, mahal, at mamahalin ko." Pinisil niya yung pisngi ko saka kami ngumiti parehas.
Hinalikan niya yung noo ko saka ako niyakap. "I love you piggy ko." Niyakap ko siya ng mahigpit.
"I love you too mickey ko." Sa kalagitnaan ng moment namin ay may umepal na nilalang.
"PDA sa school? Pwede na pala dito yun sa school mo, amanda?" Humarap ako sa epal na biglang sumulpot sa moment namin ni bryx.
"Ano namang pakielam mo? Bisita kalang dito." Napangisi siya at nagcross arms.
"Ganya na ba ang gusto mong makita ng mga bisita mo sa school mo? Ang makipag PDA sa hallway ng school?"
"At sino kaba para diktahan ako? Wala akong pakielam sa mga makikita at sasabihin niyo. Teritoryo ko to kaya wag kang umepal."
"So ayun pala ang tinuturo mo sa mga student dito sa school mo? Ang makipaglandian sa boyfriend?"
Natawa ako sa sinabi niya. "Tanga kaba? Unang una, estudyante lang din ako dito. Pangalawa, nakikita mo naman yung suot kong i.d diba? Pangatlo, ako lang ang nagsesweldo sa mga teachers sa school ko. At ako lang din ang nagpapatakbo nito. So paki, sabi naman saakin kung may ginawa akong pagtuturo sa mga binanggit ko." Nagcross arms nadin ako at lumapit ng konti sakanya, at saka ko siya tinaasan ng kilay. "At pang-apat, kung makikipaglandian lang din naman ako, syempre sa sarili kong boyfriend. At hindi doon sa alam kong may girlfriend na." Tinignan ko siya mula ulo mukhang paa. "Ipapaalala ko lang sayo, hindi naman siguro landian ang ginawa namin ng boyfriend KO? Natural lang yan sa magkasintahan, na maging sweet sa isa't isa kahit saang lugar. Kesa naman, humila nalang bigla ng lalaking may girlfriend na, saka nalang hinalikan. Hindi ba ayun yung malandin? Ang ipagpilitan ang sarili sa taong wala namang pakealam sayo. At mang-aagaw nalang bigla ng hindi sakanya... ay, parang ikaw lang. Kaso hindi mo naman naagaw." Sasampalin na niya dapat ako dahil sa sobrang inis niya. Pero nahawakan agad ni bryx ang kamay niya. Tumingin ako sa mga mata ni melody saka ko siya tinawanan. "Ang bilis mo namang mapikon."
"Melody, ano bang ginagawa mo dito? Umalis kana lang." Binitawan niya kamay ni melody saka ako hinawakan.
"Tandaan mo tong araw na to, amanda! Mapapasakin kadin bryx! Masisira ko din kayo!" Tinignan niya ako ng masama, kaya gumanti ako. Wala pang ilang segundo umalis na siya.
Nag walkout na naman ang baliw. "Okay kalang? Sa susunod sasabihan ko na yung guard na wag nang papasukin si melody ha? Baka mamaya hindi lang sampal gawin sayo nun." Hinawakan ko siya at nginitian.
"Mickey ko, wala lang yun saakin. Remember, blackbelter ata tong girlfriend mo!" Ginulo niya buhok ko saka ngumisi.
"Kahit na, dapat ako na nagtatanggol sayo. Dahil soon, magiging mrs. Smith kana." Kininditan niya ako saka umakbay.
"Tagal pa yun hahaha. Tara na nga, baka hindi na natin mapicturan si kuya nate!" Tumawa kami parehas saka nagdiretso sa field.
Wala na ata kaming aabutan. Hahahaha!
Leshe kasi yung baliw na babaeng na ngangalang melody na yun eh. Hays.
Kailan ba yun mapapagod? Tsk
BINABASA MO ANG
Arrange Merriage (On Going)
Teen FictionSi amanda beatrix na nasaktan sa nakaraan. At nagpakalayo layo. Pero sa isang iglap, ang mga nanakit sakanya ang lumalapit sakanya. Paano kaya kung bumalik si bryxtone dahil sa isang rason? Paano kung magkita sila bumalik lahat ng nararamdaman niya...