Amanda's POV
Last day na ng practice nila bryx para sa laban nila bukas.
Wooosshh~ nandito kami ngayon ng mga idiot sa kwarto ko.
Syempre gumagawa kami ng kanya kanyang bunner para sa mga lovey dovey namin. Hihi.
Ako at si shaileen lang ata may lovey dovey eh.
Habang busy kami napansin ko si alliah tulala.
"Ayos ka lang beshie?" Bulong ko sakanya. "Uy" kalabit ko. At buti nalang pinansin na niya ako.
"Ha? O..oo" binalik niya tingin niya sa ginagawa niya. Kinuha niya yung gunting para sana gupitin yung papel pero muntikan na yung kamay niya buti nalang napigilan ko.
"Kailan pa naging papel ang kamay alliah?!" Huminto yung ibang babae sa mga ginagawa nila saka tumingin sa direksyon namin. "Sigurado kabang okay kalang? Para kang nasiraan ng turnilyo sa utak!"
"Ano ba nangyayari sainyo? Sigaw ka ng sigaw, trix."
"Bakit ang putla mo alliah? May sakit kaba?"
Tinignan namin siya nang mapansin ni gwyneth si alliah.
"Ha? Wa-wala.. ayos lang ako." Iniwas na naman niya ang tingin niya.
Umupo ako sa harapan niya saka tiningala ang ulo niya para magkaharap kami at makita ko sa mata niya ang tumatakbo sa isip niya.
"Don't us. Best friends mo kami beshie. Ano na naman ang bumabagabag sa isip mo bukod sa grades mo?" Huminga na naman siya ng malalim saka yumuko ng saglit at tumingin diretso sa mata ko.
"Umamin na saakin si.. troy."
Naramdaman ko ang paglapit ng mga babae saamin.
"Yiiiieee~ edi hindi kana NBSB ngayon?" Kinikilig na patanong ni sab.
"Paano beshie? Paano niya inamin? Mygee!! Isang Troy Sta. Rosa nainlove sa babaeng walang ibang ginawa kundi ang mag-aral?"
"Maganda nga yun para naman mahawa si troy kay alliah."
"So ano kayo na?"
Nagkanya kanya na silang tanong. Pinahinto ko sila gamit ang mga palad ko. "Mamaya na kaya kayo mag comment noh? Patapusin niyo muna si alliah."
Tumango naman sila at umayos ng upo.
Tinignan namin ulit si alliah. Nagbuntong hininga na naman siya bago magsimula.
"Umamin siya.. pero winalk-out-an ko lang siya." Nagulat kami at magtatanong na dapat ang isa saamin pero nagpatuloy siya. "Hindi ko kasi alam ang gagawin ko. Hindi ko alam irereact ko. Ang gulo. Ang gulo ng nararamdaman ko. Hays. Tama ba yung ginawa ko?"
"Malamang hindi. Sinong matutuwa sa nagconfess ka nga pero winalk-out-an ka naman!" -shaileen.
"Syempre first time niya yun. Pero mali kapadin beshie, dapat pinagsalita mo pa. Hindi yung walkout agad." -gwyneth.
"Ang taray mo naman. Walkout talaga?" -sabrina.
"eh bakit nga pala walkout ang sagot mo? Nahihiya kaba?" -lyka.
"Hindi nga kasi niya alam yung gagawin!" -chorus nung tatlo.
"Girls, chill." Tumingin ako kay alliah. "Nakausap mo ba siya kanina sa school?"
"Hindi nga siya pumasok diba?" Malungkot na sabi saakin ni alliah. "Pero tinext ko na, tinawagan ko pa pero hindi sumasagot. Nag-aalala ako beshie."
Nagkatinginan kaming lima. The word 'nag-aalala', may two meaning para saamin.
"Beshie, ano bang naramdaman mo nung umamin siya sayo?" Tanong ko sakanya.
"Para akong nakuryente na nagtaasan ang balahibo ko. Tapos pakiramdam ko yung mga dugo ko nagsiakyat sa mukha ko. Beshie, bumilis tibok ng puso ko. Tapos parang may nagliliparang paru-paro sa tiyan ko.... kaya... nagwalkout nalang ako.."
"hindi kaya... parehas kayo ng nararamdaman?" -lyka.
"Hindi naman din imposible yun diba? Netong mga nakaraang araw, palagi siya ang kasama mo. Kahit sinasadya ka naming iwan sakanya... kasi alam na namin na may gusto siya sayo. Ayaw niyang ipasabi dahil alam niya ang priorities mo. At eto na nga, hindi mo sinadyang walkout-an siya dahil hindi mo alam ang gagawin." -ako.
"Pero bakit? Bakit.. saakin pa? iba ang mga tipo niya, beshie. At hindi ako yun. Boring akong tao, palagi nalang nag-aaral." -alliah.
"Hindi mo naman masasabi kung kanino magkakagusto ang isang tao. Sa imagine ni troy, oo siguro tipo niya ang mga sexy, fashionable, ma-party. Pero hindi, dahil sayo siya nagkagusto." -shaileen.
"Hindi ka naman mahirap mahalin, alliah." -sabrina.
"Siguro kasi, may nakita lang sayo si troy na wala sa iba. At siguro ayun yung pagiging inosente mo, pagiging matyaga, at may mabuting loob." -gwyneth.
Nakita ko naman luha nang pumatak sa mata ni alliah. Ang babaw talaga niya umiyak.
Lumapit ako saka ko siya niyakap at hinagod ang likod.
"Kausapin mo siya. Sabihin mo yung mga gusto mong sabihan na hindi mo nasabi nung nagconfess siya sayo. Sabi niya saamin ni bryx, gusto ka niyang ligawan pero dahil sa alam niya ang priorities mo humahanap siya ng tyempo. At sa tingin ko, nahanap na niya yun. Kaso ayun, nagwalkout ka nga lang." Tinignan niya ako saka kumunot noo.
"Ligawan?" Tanong niya.
Tumango ako sakanya. "Yes, at sa pagkakaalam ko, hindi yun nanliligaw. Siguro, sayo palang."
"Alam mo beshie, kesa magmukmok ka jan, tawagan mo na siya." -lyka.
"Paano nga tatawagan kung hindi sumasagot?" Shaileen.
"Sandali! Sab, paabot ng phone ko." Inabot naman ni sab ang phone ko.
Hinanap ko sa contacts ang pangalan ni bryx.
"Hello, piggy ko! Miss me?" Bungad niya saakin agad.
"Sobra. Punta ka dito later, may dinner ha?"
"Aye aye! Bakit ka pala napatawag?"
"Itatanong ko lang, nagpapractice pa ba kayo?"
"oo piggy ko. Bakit? Pupuntahan mo ba ako? Grabe ka naman maka-miss."
"Baliw! Si troy? Anjan paba?"
"Bakit si troy? Kausap mo naman na ako ah! Oo andito pa siya. Bakit? Ipagpapalit mo ako dun?!"
"Aish. Baliw ka talaga. Anong oras ba matatapos yang practice niyo?"
"9pm. Nako beatrix, ano bang gagawin niyo ni troy? Piggy ko, tinu-two time mo ba ako?!"
"Gago! Kailangan nilang mag-usap ni alliah!! Dahil text at tawag ni alliah hindi niya sinasagot! Umamin na kasi yang ungas mong kaibigan sa kaibigan ko! Kaya tinatanong ko sayo kung anjan pa siya! Kung ano ano agad iniisip mo!"
"Hehe. Sorry na. Nagiging piggy monster ka na naman piggy ko. Hihi. Sige, icocorner ko si troy para sainyo. Hihi wag na magalit. I love you."
"Ewan ko sayo! Basta pumunta kana agad dito kapag magkaharap na yung dalawa! I love you too. Babush!"
Binaba ko na yung call saka ako humarap kay alliah.
"Pagkakataon niyo na mamaya beshie." Pinapunta ko na siya dub ng maaga para hindi mahirap.
Gusto ko sana samahan kaso wag na daw kaya na niyang pumunta mag-isa saka malapit lang naman daw ang hogwards.
From: Mickey ko<3
Ayos na piggy ko. Hihi! On the way na ako jan with bryan. :) ayaw niya daw kasabay mga kuya mo. Tinotopak na naman daw si ethan ng pagka-alien. Kaya saakin sumabay si bayaw. ^^ ser you, my princess. I love you<3
Napangiti ako sa text ni bryx. Hahaha! May sapak na naman to panigurado. Hay
"POGING ETHAN IS HERE! WITH MY 3 EGGNOGS BROTHER'S!!"
Ayan na si alien..
BINABASA MO ANG
Arrange Merriage (On Going)
Teen FictionSi amanda beatrix na nasaktan sa nakaraan. At nagpakalayo layo. Pero sa isang iglap, ang mga nanakit sakanya ang lumalapit sakanya. Paano kaya kung bumalik si bryxtone dahil sa isang rason? Paano kung magkita sila bumalik lahat ng nararamdaman niya...