Chapter 2

36 0 0
                                    

Amanda's POV

Literal parin akong nakatayo dito habang naka nganga.

Sht. Hindi ako makagalaw sa kinakatayuan ko.

Namatauhan ako bigla akong tumalikod sakanila. Hindi ko alam kung paano ba ako magtatago. Of all people bakit sila pa?

"Ano? Trix, sabi ko sayo mga papabol sila eh." Bulong saakin ni anthony nakinikilig.

Tinignan ko si sab at ganon din siya. Gulat na gulat ang mukha niya.

"Sabrina? Wazzup! Long time no see cousin!" Alam ko kung kaninong boses yun. Kay kuya vince.

Nakatalikod parin ako sakanila kaya hindi ko makita yung expression ni sab.

"Ku-kuya vince.. long..time..no..see.." putol putol na bati ni sab. Alam ko gulat padin siya kaya ganyan yan.

"Amanda? Uy amanda! I miss you lil sis!" Sabi niya sabay yakap sakin kahit nakatalikod pa ako.

Napapikit na lang ako sa hindi ko malamang emotion. Sht. Oo namiss ko yung mga kuya ko pero hindi ko kayang humarap lalo na nanjan din siya. Geez.

"So ganon? Ang ganda ng pang welcome back mo saaming mga pogi mong kuya. Di kaba haharap?" kahit naka talikod alam kong si kuya nathan yun.

Pansin ko sa mga classmate ko sa mga mukha nilang nagtataka, mga clueless. Malamang hindi ko naman nababanggit mga kapatid ko sakanila. Dahil sa malalim na rason...

No choice, kesa tumakbo ako palabas. Humarap na lang ako sakanila.

"Ano namang ginagawa niyo dito kuya? At dinala niyo pa talaga ang buong baranggay." Walang gana kong sabi. Eh paano ba naman kasi ang dami nila. Lahat ng kapatid ko nandito, tapos yung mga kaibigan nila tsaka siya nandito din. What the hell!

"Teka.. teka.. kuya? Kuya mo siya?" Sabi ni lyka tapos tinuro si kuya vince.

Tumango na lang ako sa tanong niya. At binigyan ko siya ng mamaya ko i-explain look. Kaya binaleng ulit nila yung tingin nila kila kuya.

"Princess, kaya kami nandito. Kasi obvious naman na mag-aaral kami." Pilosopo talaga tong si kuya ethan.

"Eh bakit nandito-" naputol yung sasabihin ko dahil dumating yung teacher namin. Kaya nagsibalikan kami sa upuan namin.

Hindi ko magawang mainis. Umalis nga ako sa korea para mapalayo sakanilang lahat, sila naman yung lumalapit! Aarrgghh!! I hate them!!

"Trix, ano yun? Bakit? What the! After all may kapatid ka pala at di mo man lang sinasabi saamin?" Sermon agad saakin ni alliah pagdating namin dito sa cafeteria. Wala namang masyadong diniscuss yung teacher nagpasa lang ng 1/8 then nagkwento siya about sa buhay niya. Ano namang mapapala namin sa buhay niya? Tsss.

"Di mo man lang sinabi na may kapatid kang gwapo at hawt!" Sabi ni anthony. Binatukan naman siya ng lima.

"Seryosong usapan, wag muna landi. Baklang to!" Sabi sakanya ni lyka.

"So ano na trix? Paano mo naging kapatid yung vince?" Tanong ulit ni alliah.

"Syempre parehas kami ng ama't ina." Sarcastic kong tanong. Anong klaseng tanong yun? Hays.

"Bakit? Malay mo ampon yung isa oh diba?"
"Gaga, magkamukha nga diba? Ampon!"

"Tahimik nga. Hindi tayo matatapos!" Sigaw ni gwyneth kay alliah at shaileen.

So ayun, nanahimik silang lahat nakatingin saakin nag-aabang nang sasabihin ko. Si sab nasa tabi ko lang nag iipod pero alam kong nakikinig yan.

"Hindi lang naman si kuya vince ang kapatid ko dun eh." Sabi ko.

"What?!" Sabay sabay nilang tanong.

"Maka-what kayong lahat. Diba halata? Kaya nga kamukha niya yung iba." Sabi ni sab.

"Oo nga pala. Oh ge tuloy" sabi ni shaileen.

Huminga ako ng malalim at saka pinagpatuloy. "Si kuya vince yung panganay, si kuya tristan yung sunod, tapos yung triplets si kuya nathan, kuya ethan at si kuya bryan. Actually, 5 years agwat namin ni kuya vince. Si kuya tristan naman 4 years at yung triplets 3 years. Nag stop silang lahat ng ilang taon. Dapat ngayon si kuya vince nagtatrabaho na pero hindi, nandito padin siya sa high school. Paano ba naman kasi, puro rebelde alam niyang gawin. Away don, inom, yosi, gala. Tapos minsan umaga na nakakauwi. Napapabayaan na niya pag-aaral niya. Kaya pinatalsik siya sa korea. Pati kay kuya tristan nangyari yun hanggang sa triplets. Kaya ang the end ako na lang ang pag-asa ng pamilya ko. Kahit nung nasa korea kami, ganon lang din ginagawa nila. Kaya naabutan nila ako. Ewan ko kung bakit sila dito umuwi. Kasama pa yung ibang kaibigan nila pati yung ex ko.." gulat na gulat yung mga mukha nila nung banggitin ko yung 'ex' nasalita. Ang OA

"Ex? Sino dun? Ohmygee! Kaya pala ganon ka kanina." Sabi ni anthony.

"paanong ganon?" Tanong ko.
"Namumutla." Sagot ni shai.

Syempre na-tense lang naman ako kasi after 2 years nagkita ulit kami.

"Pero bakit ka nga pala parang iwas ka sa mga kuya mo?" Tanong ni lyka. Nagkatinginan kami ni sab. At sa sabay tingin ulit sakanila, sasabihin ko naba? Pero sige.

"Kasi ganito-" natigil yung sasabihin ko dahil may mga nagtitilian dito sa loob ng cafeteria. Hindi ba nila alam na nandito ako at baka maingayan ako? Ayoko ng maingay lalo na wala ako sa mood!

Napatayo kaming pito at tinanaw kung anong nangyayari. Lalapit na dapat ako para sawayin yung mga stupident pero nung makita ko yung tinitilian nila.

Yung mga lalaking ayoko nang makita kailan pa man.

~~~~~~
Hey guys! Sa next chapter ipapakilala na ni amanda yung mga kuya niya. Hahaha kinwari kamukha na lang niya. Hahaha! Enjoy reading :* godbless.

Arrange Merriage (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon