Amanda's POV
Nasa kwarto ako at nag-aayos ng sarili para sa party ng hogward mamaya.
Ngayon na yung acquitance namin. It's 2:00pm at mamayang 6pm na yung party.
Matagal akong ayusan kaya sakto lang na 2 ako magpaayos. Aba syempre dapat ako ang queen of the night. Pero syempre ayoko, ipapaubaya ko nalang sa ibang stupident. Kayalang ako padin ang batas dahil saakin ang school. Pagbibigyan ko lang kung sino man ang mapili. Hanggang mamayang gabi nga lang.
Syempre may time limit. Parang pagkain may expiration. Kaso yung pagbibigyan ko ng expiration mga tatlong oras lang.
Hindi naman nagtagal at natapos na ako. Si mama lang nag-ayos saakin dahil dalawa kaming mahilig sa fashion. Like mother like daughter nga eh.
"Baby, ready kana? Nandito na sundo mo." Nasa pintuan ng kwarto ko si mama at saka niya sinabi yan.
"Bababa na po ako, ma." Nginitian niya ako saka tumango. Tinignan ko ang orasan ko at 5:50 na pala. Masyado pang maaga para sunduin niya ko.
Bumaba na ako at naabutan ko siya. Ugghh ang pogi naman ng date ko. Tsk tsk.
"Ang aga mo naman." Bungad ko sakanya.
"Hahaha iba ka talaga, trix. Anong maaga? Eh halos mag sisix na nga. Ano ba ang six pm sayo? Seven pm?" Natatawa siya sa sarili niyang tanong, inirapan ko siya saka nag cross arms.
"Eh bakit ba? Mas okay nang late kesa maaga." Natawa na naman siya, hindi ko na makita yung mata niya. I mean, nakapikit na kasi siya eh.
"Happy mo noh?"
"Syempre ikaw date ko." Kinindatan niya ako saka lumapit saakin. Baliw talaga.
Sus, pero kinilig ka.~
Letse oo na!
"Bryxtone! Amanda! Nanjan pa pala kayo sabay na ko." Sigaw ng alien kong kapatid.
"Wala kang date?"
"Uso ba saakin yun? Madami namang chicks mamaya."
"Hala! Nasapian ka na ata ni nate!"
"Ulul!"
Bago pa humaba ang usapan nila sumingit na ako. "Hoy tara na! Alam kong madaming naghihintay saakin." Naglakad na ako palabas at sumakay sa kotse ni bryx. Sumakay na silang dalawa at nagdrive na si bryx.
"Bakit nga pala hindi ka kasabay ng iba mong kapatid, ethan?"
"Ayoko. Masyado silang magulo."
"Masyadong magulo o baka naman OP ka dahil wala kang date?"
"Magtigil ka nga jan bryx! Pasalamat ka nga pinayagan ko si amanda na makipagdate sayo!"
"Kahit naman hindi ka pumayag, kuya. Sasama padin ako kay bryx" pang-aasar ko sakanya kaya nagpoker face siya at tumingin saakin ng masama. Eto namang isa naming kasama tawa ng tawa.
"Trip niyo kong dalawa? Humanda kayo mamaya!" Natawa na din ako dahil seryosong seryoso si kuya ethan.
Ilang minuto din bago kami makarating sa hogwards. Nagpark na si bryx.
Pinagbuksan niya pa ako ng pinto saka inalalayan. Ngunitian ko naman siya at saka kumapit sa braso niya.
Sabay kaming naglakad tatlo. Nakita ko yung iba sa parking mga kadadating lang.
Pumasok kami sa club house ng school. Dito ginaganap kapag may party talaga.
Para tong bar. Ako nagsuggest neto kay daddy, hindi dahil sa mahilig ako magbar.
BINABASA MO ANG
Arrange Merriage (On Going)
Novela JuvenilSi amanda beatrix na nasaktan sa nakaraan. At nagpakalayo layo. Pero sa isang iglap, ang mga nanakit sakanya ang lumalapit sakanya. Paano kaya kung bumalik si bryxtone dahil sa isang rason? Paano kung magkita sila bumalik lahat ng nararamdaman niya...