Chapter 30

15 0 0
                                    

Amanda's POV

Kasabay ko ang idiots papuntang school. Doon kasi gaganapin ang laban ng basketball.

Kalaban ng hogwards university ang kingdom university.

Pagkakatanda ko doon nag aaral si melody'ng baliw. *smirks* panigurado andun yun at iinisin na naman ako. Well, anytime ready naman ako eh.

Dumiretso kami ng court at umupo sa reserved sits namin.

"Girls, puntahan ko lang si bryx." Paalam ko sakanila.

"Sabay na tayo beshie. Pupuntahan ko din si nate." -shaileen.

"Ako din. I-gogoodluck ko si kurt." -gwyneth. Napatingin kami sakanya at parang alam na niya yung tingin namin na ganito. "As a friend. Syempre kailangan igoodluck." Nakita kong nagsmirk si sab. Kahit may nafefeel kami sa kanilang dalawa, saka nalang namin itatanong.

"Hintayin ko nalang kayo dito." Lyka.

"Ako sasama. Igogoodluck ko din si troy." Naka-smile na sabi ni alliah.

Oo nga pala, nagkaayos na silang dalawa. At ngayon, official nang nililigawan ni troy si beshie. Alam kasi ni troy na priority ni beshie ang studies kaya okay lang sakanyang maghintay kahit gaano katagal.

"Ikaw sab? Sasama?" Tanong ko kay sab na nanahimik.

"Hindi. Hintayin nalang namin kayo ni lyka."

"Okay." Naglakad na kami saka nagpunta ng locker nila bryx.

"Uy amanda! Naks supportive girlfriend ah!" Bati saakin ng isa sa ka-team nila bryx.

"Syempre naman! Hahaha. Anjan ba sila bryx?" Tanong ko sakanya.

"Oo anjan. Yung buong tigers anjan."

"Sige, salamat." Nagdiretso kami sa loob at hinanap sila.

Yung tigers, pangalan ng grupo nila kuya, nang mga 'basagulero's' pero ang pangalan ng team nila sa basketball 'the kings' ewan ko pero si kuya ethan nag isip niyan. Hahahaha!

Third person's POV

Nasa locker sila amanda kasama si gwyneth, alliah at shaileen.

"Mickey mouse ko!!!" Sigaw at takbo ni amanda sa boyfriend niyang si bryxtone. Niyakap niya ito sabay halik sa pisngi.

"Anong ginagawa mo dito piggy ko? Ayie.~ miss mo na naman ako?" Asar niya sa girlfriend niya.

"Hindi kaya." Belat at pang-aasar din ni amanda kay bryx.

"Asus. Pa-humble pa tong girlfriend and soon-to-be wife ko." Tinusok tusok pa niya sa tagiliran si amanda habang tumatawa.

"Ewan ko sayo, mickey ko! Kaya ako nandito para i-goodluck ang pinaka cute, handsome and jolly kong boyfriend and soon-to-be husband! Hihi." Pinisil ni bryx yung pisngi ni amanda habang si amanda nakayakap kay bryx at nakatingala dahil mas matangkad si bryx sakanya.

"Mas lalo tuloy akong ginanahan piggy ko. Payakap nga, para mas lalo akong maging strong!" Niyakap niya ng mahigpit si amanda at ganon din naman si amanda.

Nagkwentuhan pa silang dalawa at nagpicture. Sinulit lang nila yung onting oras. Dahil maya maya mag-uumpisa na ang game.

Sa kabilang direksyon naman andun si alliah at troy nag-uusap.

"Goodluck, pakoh!" Energetic na sabi ni alliah kay troy.

"Salamat, makoh. Para sayo to kapag naka 3points ako." Hinampas naman ng mahina ni alliah si troy sa balikat niya.

Arrange Merriage (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon