Dedicated sa unang mag-comment kung meron man. Hehe! Add me on facebook guys, DOS FUENTES. :)) Dp ko si Bieber! ;))****
Daniel
Please say yes Julia. Please.
I'll make sure that you'll be the most happiest lady in the whole world.
Ramdam ko ang panginginig ng mga kamay niya nang hawakan ko ito.
I cleared my throat, "Julia will you be my forever?" tanong ko ulit
"Juliaaa... Say yes..." Rinig kong bulong ni Nadz kay Juls, iyak lang kasi ito ng iyak at nahihirapan ng huminga dahil ata sa sipon.
"Y-" Krenggggggggg!!!!
Shit.
Nahinto ang pinaka-espesyal na moments namin ni Juls nang mag-ring ang phone ko. Inis na kinapa ko sa bulsa ang phone at tinignan ito.. Direk Cathy Calling...... Shit.shit.
Panira.
Inoff ko ang phone at hinarap ulit si Juls. Hindi ko parin binibitawan ang isang kamay niya at mas lalo kong hinigpitan ang paghawak dito. Takot lang talaga akong makawala pa ang babaeng ito. Siya na ang pinangarap ko noon pa at wala ng iba. Kung alam niyo lang.
"Bakit hindi mo sinagot?" nanginginig ang boses na tanong niya
"Hindi yun importante..." Sabi ko sa kanya, hinalikan ko siya sa noo at tinanong ulit, "Y? Ano yun? Yes na ba yun? Juls, sige na.. Sagutin mo na ako, Yes o Yes?"
Nakatanggap ako ng mahinang hampas mula sa kanya, "Daniel talaga.." Nangingiting sambit niya
"Yes o yes?" Pang-uulit ko. Atat na ako ano ba.
"Jesus christ. Pinapakaba niyo ko.." Rinig kong bulong ni James nang nakangisi
"Juls.. Yes o yes?"
Yes o yes? Wala na siyang ibang pagpipilian dyan. Yes lang o yes. Haha! Wala siyang kawala sakin. At wala naman talaga akong planong pakawalan pa siya ngayon. Malayo na ang narating namin. Nakaya namin ang ganitong sitwasyon na patago. Gusto kong i-level up ang relationship namin.
Sa tagal niyang sumagot, kinabahan na tuloy ako. Nakatitig lang kasi siya sa mga mata ko..
"Mahal mo ba ako Julia?"
"Oo naman." Agad niyang sagot, sa totoo lang nangangalay na ang isang kamay ko na hawak ang singsing at pinagpapawisan na ako. Sinadya ko tong magpropose na may witnesses.
"Juls ano ba." Niyugyog ko ang kamay niya, "Silence means Yes na ba yan? Dalawa lang naman ang pagpipilian mo eh.. Yes lang o yes?"
Bigla niyang hinila ang kamay niya at tumayo. Nabigla ako dun. Bigla siyang umalis sa harapan ko nang hindi umiimik. Shit. Ni-reject naba niya ako? No way Juls.
Tinignan ko nang nagtataka sila James at Nadz na nagulat rin sa nangyari, nagkibit-balikat lang sila.
"Shocked lang siguro pare. Ang bilis mo eh." ani James, tinignan ko si Quen na nakatulog na pala sa Sofa.
"Sundan mo na.." sabi naman ni Nadz at nginuso ang kusina. Tumayo na ako at napadaing nang biglang kumirot ang mga tuhod ko. Shit.
Sinundan ko siya sa kusina, umiinom siya ng malamig na tubig.
Kinulong ko kagad siya sa mga bisig ko at hinalikan sa leeg, "Juls, ano na?"
Humarap siya sakin at umiyak na naman, niyakap niya ako ng mahigpit.