Chapter 8- Collide

261 20 4
                                    

YOU DON'T KNOW US

***



Daniel

"Okay na?" Kinabahan ako. Sana ay maging okay na kami ng MyLoves ko ngayon. Sana.

Hindi ko talaga alam kung bakit niya ako natitiis ako samantalang ako, hinding-hindi ko siya matiis kahit isang araw lang. Mahal ko eh.

"Ate Mars, (Marikit) Salamat sa tulong... Salamat sa tulong ninyong lahat." Syempre kasabwat ko yung mga solid fans namin ni Bhe.

"Masaya kami Dj. Sana maging okay na kayo ng aming nag-iisang Dyosa." Sagot ni Ate Mars at hinug ako. 99% feeling ko na magiging okay na kami.

"Yung singsing?"-Donna

"Nandito na. Always ready." Sagot ko kay Donna at pinakita sa kanya ang box ng isa pang ring na binili ko pa sa Barcelona.

"Yieeh. Hindi na kami makapaghintay!"-Twenny

"Pwede ba kaming maglagay ng Video Cam, itatago lang namin dito sa may vase."-Xhein

"Sure.."

Hooh! Lagi nalang ganito. Kinakabahan talaga ako pagdating sa Master ng buhay ko. Paano nalang kung ayaw parin niyang makipagbati? Gusto ko ng matuloy ang kasal.

"Dj! Guys! Parating na siya. Magtago na tayo!" Sigaw ni Nadz kaya naman parang nataranta sila at sumama kay Nadz para magtago.

Julia, hindi ko kayang mawala ka..

**

Julia

"San ba talaga?" Ano na naman kayang pakulo to? Pumasok ako sa isang building. Hindi ko lang talaga alam kung anong trip ni Nadine. Hays. Sinakyan ko na baka magtampo eh.

"Dyan na nga! Pumasok ka lang te! Gooo!"

"Sige.. Eto na. Nakapasok na ako. Sa 8th floor ba? Okay." Inend call ko na at sumakay na ng elevator. Pinindot ko yung 8th floor. Ano kayang gagawin namin dun? Binilisan ko pa naman ang taping para dito. Tsk

.

.

Nasa 8th floor na ako. Room 808.

"Eto na ata yun." Kinuha ko yung susi na binigay sakin at binuksan na ang pinto. Nasorpres nalang ako sa nakita ko.

Tumugtog kagad ang kantang Collide, yang kantang yan na kinakanta sakin ni Dj kapag nagde-date kami.

Ang sarap lang pakinggan.

Parang bumabalik kami sa Dati.

"Dj?"

Nakatayo sa dulo ng parang aisle ang lalakeng nagpapatibok ng malakas sa puso ko. Nakangiti. Ang gwapo! Tapos may hawak siyang Pulang rosas. Naks. May pa red carpet pa. Tapos maraming rose petals sa sahig. May umiilaw na balloons sa kisame. Napakaraming bulaklak sa paligid. Nagmukhang paraiso ang kwartong ito. Tapos sa mesa may malaking Heart shape pizza!

Palakas ng palakas ang tibok ng puso ko. Ano kaba Dj. Ugh!

You And I,
Collide....

"Deej? Pa. Grabe ka naman..." Maluha-luha kong nasabi sa kanya nang makalapit na ako. Hinapit niya ako agad at niyakap.

"Sorry na ma. Alam mo namang hindi talaga kita matiis. Mahal na mahal kita ma. Sobra..."

"Mahal na mahal rin kita Dj... Sobra."

"Mas..sobra kitang mahal ma.."

You Don't Know UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon