Chapter 5- Jealous

377 21 8
                                    


Pampawala ng badvibes kaya nakapag-update agad-agad. :))

**

Julia

"Napagod ang bhebhe ko ah.." maingat na nilagay ni Daniel ang ulo ko sa lap niya. Kapag gusto ko kasing matulog habang nagda-drive siya, ganito talaga ang pwesto ko. O siya. Nakasunod lang naman samin ang Van nila Ate Angel at Ate Dimples, pauwi na kami galing Lipa Batangas. And we had a great summer!

Papikit na sana ako nang nagsalita na naman siya, "Si Mama, ang sabi niya mag-vacation daw tayo sa France for a week. Family Vacation.. Pero bago yun, ime-meet muna natin ang JulNiels."

"Sige, sasabihin ko kay direk yan.." Sagot ko at ngumiti sa kanya

"Gusto mo, ako na ang kakausap sa kanya? Para sigurado tayo.."

"Hindi ako na.."

"Okay bhe, matulog ka'na.."

Ilang oras lang at nakarating na kami sa condo pero gabi na. Babangon na sana ako pero pinigilan niya ako. Kinarga niya ako palabas kaya kumapit ako sa kanya ng mabuti. "Dj, ibaba mo'na ako.."

"Pagod na pagod ka diba? At baka nakalimutan mong prinsesa kita..Mara." Nakangiti niyang sinabi at hinalikan ako sa noo. Karga niya ako hanggang sa loob ng condo.

**

Nagising nalang ako nang marinig ang sunod-sunod na mura ni Daniel sa tabi ko at hawak ang cellphone niya.. "Bakit ang dami na?" Naiinis niyang sambit. Nagtatakang bumangon ako at tinignan siyang nakabusangot.

"Daniel? Okay ka lang?"

"Hindi!" Nagulat ako sa biglaang pagtaas ng boses niya, bumaba ako ng kama at inis na pumasok ng cr. Ayokong masira ang umaga ko.

"Bhe, sorry.. Hindi ko lang kasi nagustuhan yung nakikita ko ngayon. Bakit hindi nalang kasi ako? Bakit si Rayver pa? Ang dami na ah!" At pumasok siya ng cr at niyakap ako mula sa likuran. Hays. Parte yun ng trabaho ko diba?

Pumasok na kasi sa Dk si Rayver Cruz. Bagong leading man ko dun. At ngayon naghuhurumentado na si Daniel. Seloso talaga.

"Ikaw ba? Kung may iba ring leading man si Kath magagalit ka rin?" Tanong ko

"Aba! Magpapa-party ako niyan. Pagod na ako Julia na kasama siya.. Masaya ako kapag ipaghiwalay kami..para mas may chance tayo, ang loveteam natin diba?"

"Baka nakalimutan mong parte si Kath sa success mo ngayon.." Sabi ko sabay buntong-hininga

"Sila lang naman yung pinipilit ako Juls. Kaya ko naman kahit wala siya eh.."

Bumuntong-hininga ulit ako at humiwalay sa yakap niya. Alam niyo ba kung gaano kahirap itong sitwasyon namin? Sobrang hirap.

At alam ko namang nahihirapan narin si Daniel sa mga bagay na pinipilit sa kanyang gawin. Pati rin naman ako eh.. Naaalala ko, Minsan narin yang umiyak sa harapan ko. Dahil rin dun sa Psy. At dahil lang din sa Halik sa Hangin. Tungkol sa Bedscene namin dun ni Gerald. Iniyakan niya yun.

"Teka, teka lang. Ano? Anong BS? Hindi. Hindi ako papayag. Off limits na yun Mara! Kakausapin ko si Derek.."

"Dj. Please. Trabaho lang naman yun eh."

"Bakit ba ginagawa mo yung mga bagay na ayaw ko? Pinagbawalan na kita tungkol dyan Mara. Ano ba!"

"Gusto kong hasain ang galing ko sa pag-arte Dj kaya pagbigyan mo'na ako."

"Hindi. Ayoko. Magaling ka'na bhe. Para sakin, ikaw yung pinakamagaling sa lahat.. Basta hindi ako papayag!" At bigla niyang binato ang unan sa may pintuan bago lumabas. Bumaba ako at naabutan siya sa may kusina na sumisinghot habang nagtitimpla ng kape.. Umiiyak na. Nagulat pa ako nung pabagsak niyang binaba ang lagayan ng asukal.

You Don't Know UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon