YDKU Chapter 24- Back Home
Julia's Pov~
Mama Karla invited me. Mag dinner daw sa kanila at dahil hindi ako pwedeng tumanggi kailangan kong pumunta. And I never thought na nandoon rin pala si Kath. Pati si Mama Karla hindi rind aw inasahan na pupunta siya. Dj invited her. Hindi ba niya alam na pupunta ako? Ugh! Hindi na pala dapat ako makialam sa mga desisyon at gagawin niya. I'm just her ex.
"Nandito ka rin pala Juls.." saad ni Kath na nakangiti at umupo na sa harapan ko. Bale sila ni Dj ang nakaupo sa harapan ko.
"Yes, I personally invited her dahil gusto ko ring mag pasalamat sa binigay niyang foods last Sunday eh. Napakasarap. Thanks Julia. I really appreciated it." Nakangiting wika ni Mama Karla
"Wala pong anuman ma---tita Karla." Sus muntik na. Baka magtaka pa siya kung bakit mama ang tinawag ko. Eh sila tita lang eh. Hindi naman maiwasang hindi ako mapatingin kay Dj na seryoso lang pero ngiting ngiti pag kinakausap si Kath. "Magluluto pa po ako para sainyo.."
Natapos ang dinner pero hindi pa ako pinauwi ni Mama Karla. Usap-usap muna kami ng personal at seryoso about samin ni Dj. Alam niya lahat at hindi niya sinabi kay Dj kasi baka magalit ito at kung ano pang mangyari. Kinausap rin kasi siya ng management noon pati mama at lola Flory ko.
"Okay lang po, naiintindihan ko naman. Ang gusto ko lang eh hindi makaalam si Dj." Sabi ko at hindi ko naman maiwasang hindi maluha.
Gusto kong sabihin sa kanya ang tungkol sa anak namin ni Dj pero natatakot ako. At baka hindi pa ito yung tamang panahon.
Tama, hindi ito yung tamang panahon para sabihin kay Mama Karla.
"Wag mong kakalimutan na nandito ako palagi para sayo Julia. At alam kong magkakabalikan kayo ng anak ko, hindi pa ngayon pero sa tamang panahon. Kapag pwede na ulit. Ikaw naman talaga ang gusto ko para sa kanya kaya wag kang mag-alala."
"Salamat po, Ma."
Ilang oras din kaming nag usap bago nagpaalam si Kath. Uuwi na siya.
"Ihatid mo na Dj.." sabi ni Mama Karla
"No tita, ako na po. Tsaka may dadaanan rin po ako eh.." sagot naman ni Kath
"Pero gabi na, baka mapano ka pa.." giit ni Mama Karla.
Napatingin ako kay Dj, kung paano niya hawakan ang kamay ni Kath at mag worry dito.
"Oo nga bal. sige na, ihahatid na kita." Sabi naman ni Dj kaya napayuko ako at umiwas ng tingin sa kanila."Sige na nga. Salamat po tita. Bye Juls.." ngumiti siya sa akin at nag wave.
"Bye Kath. Ingat ka.." ngumiti naman ako.
"Hindi ka ba sasabay? Sumabay ka na.." lumapit siya sakin at hinawakan ang kamay ko. Napatingin ako kay Mama Karla na tumango at kay DJ na wala man lang reaksyon. "Sabay ka'na. ihahatid kana rin ni Dj.."
"Ah wag na siguro.. magta-taxi nalang ako.." sabi ko naman
"Uy naku wag ha.. wag kang uuwi mag-isa. Sumabay ka'na.." sabi ni Mama Karla at tinulak pa ako palapit kay Dj. Mama karla naman eh. "Sige na Dj.." sabi nito sa anak at ngumiti pa.
"Tara na.." cold na sabi ni Dj at hinawakan na si Kath at nauna na silang lumabas. Nagpaalam at bumeso naman ako kay Mama Karla.
"Mag-ingat ka. Wag mong kalimutang tumawag sa'kin pag may problema ha?" ani Mama Karla sa'kin at yumakap