Kapamilya Playoffs
Julia
Nasan ka'na?
Ma?
Ma? Nasan ka na ba? Magsisimula na ang game.
Ma? Hindi ka na naman ba pupunta? Kailangan kita dito.
Ma, magsisimula na in 15 minutes.
"Julia, halikana. 5 minutes nalang!" Sigaw ng isang staff mula sa labas. Hindi na ako nakapagreply at tumayo na. Tinignan ko muna ang sarili ko sa harap ng salamin at napabuntong hininga. Hindi ako makakapunta sa laro ni Dj. Biglaan kasi ang event na ito at hindi pwedeng wala ako.
Gusto ko siyang i-cheer sa laro niya pero kahit wala naman ako, alam kong gagalingan niya at ipapanalo niya ang laro. Magaling ang asawa ko.
Alam kong magtatampo siya pero siguro naman maiintindihan niya ako.
After 3 Hours...
23 missedcalls.
18 messages ulit.
"Daniel.." Agad ko siyang tinawagan pero ring lang ng ring at hindi na sumasagot. Siguro ay hindi pa sila tapos maglaro.
***
Daniel
"Pre, okay ka lang? Grabe, sobrang seryoso mo maglaro ah. Hindi kana nakangiti. Parang gusto mo nalang kainin ang ring! Pero pre, ang galing mo talaga!" Sabi ni Alonte nang mag time-out muna. Napailing na lamang ako at uminom ng tubig. Napalingon rin ako kay Kath na nagche-cheer sakin at nginitian siya. "Panalo na tayo nito!"
Nakakainis lang at hindi man lang siya pumunta o kahit sumilip lang.. Kahit sumaglit lang siya ay okay na sakin. Pero wala. Walang Mara Montes na nagpakita sakin.
Ilang beses nang wala siya sa tuwing maglalaro ako.
Nangako siya ngayon pero ito, hindi niya tinupad.
Shit.
.
.
.
.
Natapos ang game. Agad akong umuwi sa condo namin.
Naabutan ko si Julia na naghahanda ng mga paborito ko sa mesa. "Pa, congrats!" Nakangiting niyakap niya ako ng mahigpit.
"Bakit hindi ka pumunta?" Tanong ko sa kanya at kumalas sa yakap. Agad kong binaba sa sahig ang bag at trophy ko. "Ilang beses kang nangako na pupunta ka?" Tumaas ng konti ang boses ko.
"Sorry.. Sorry Daniel, may biglaan kasing event eh. Sorry..."
"Sorry na naman?" Napailing ako at umakyat na. Wala narin naman akong ganang kumain pa.
Pumasok siya dala ang trophy ko, "Daniel.."
"Hindi Julia. Pinaasa mo na naman ako ng pangatlong beses!"
"Daniel, kahit wala ako...alam kong ipapanalo mo ang laro. Eto oh, proud na proud ako sayo.." Tinaas niya ang trophy. Lumapit ako at kinuha ito sa kanya tsaka hinagis sa sahig. Nabasag. Nasira.