#JulNiel
Dedicated to MajesticVampireQueen. Salamat sa comments mo bhe! ;))
****
Julia
"Naalala mo pa to?" malambing niyang tanong at nilapag ang Heart shape pizza sa mesa sa harap ko. Napangiti ako. Sino bang makakalimot dito? Naging parte na ito sa pag-iibigan namin ni Daniel.
"Ang magical pizza. Oo naman.." Nakangiti kong sagot sa kanya, hinila niya ang upuan sa tabi ko at umupo. Yumakap siya sakin ng mahigpit.
"Happy Anniversary Pakipot.." Bulong niya sakin at humalik sa tenga ko.
"Happy Anniversary Pagong.." Ganti ko rin at napapikit nang makiliti ako sa ginagawa niya, He's rubbing his nose to my ear. At humahagod pa sa leeg ko ang mainit niyang hininga. He's always like this, making me kilig.
"I love you.." sabi pa niya at idinikit pa lalo ang katawan niya sakin, nahigit ko ang aking hininga. Si Daniel lang talaga ang nakakagawa sakin nito. Sa Mara Clara Days palang ay nanliligaw na siya sakin at hanggang ngayon ay walang nagbago. We're getting stronger everyday. Tumatag ang relationship namin kahit patago. Mahirap pero diba kapag mahal mo ang isang tao kaya mong magtiis? Mas lalo kaming naiinlab sa bawat araw na dumarating samin.
"I love you too... Kumain na nga tayo..." Sumigway na ako, masyado na kasing mainit sa pakiramdam. Masyado ng hot ang moment namin ni Daniel. Narinig ko ang mabibigat na hininga niya at hindi parin niya ako binibitawan.
I can't breathe Daniel.. Ugh!
Kung bakit pa kasi kailangan naming itago ang totoo?
"Mamaya na.." with his husky voice na kumiliti na naman sa may leeg ko.
Naalala ko pa nung inalok ako sa isang movie na makapartner si Dj, ako ang umayaw kahit gusto niya akong makasama. Iniisip ko rin kasi si Kath, bestfriend ko siya. Nagtalo pa nga kami ni Dj dahil dun. Pero sa huli ay sinunod niya rin ang gusto ko. Hindi naman daw siya takot ma-bash ako kasi poprotektahan niya raw ako. Alam ko namang gagawin niya yun.
"Daniel..Uy... Kain na tayo.."
"5 minutes.." aniya at mas isiniksik pa lalo sa leeg ko ang mukha niya.
"Julia.. Nililigawan kaba ni Anjo?" Biglang tanong naman niya, this time ako na ang unang kumalas at tinigna siya. Iniwasan niya bigla ang mga tingin ko at sa pizza siya ngayon nakatingin.
"Magkaibigan lang kami ni Anjo Daniel.."
"Napapanood ko ang videos niyo sa Snapchat. Nilalandi ka niya Julia. Napanood ko rin ang guesting niya sa GGV, binigay mo ba sa kanya ang number mo?"
Alam ko na kung san papunta to eh. Umaandar na namang pagkaseloso niya. Ayokong masira ang 5th Anniversary namin. Special ang araw na to.
"Matagal na yun. Diba nga nag-swap tayo ng simcards?" Sagot ko sa kanya, hindi lang sa simcards kami nags-swap, pati rin sa mga accounts namin like Instagram at Twitter, ibig sabihin siya minsan ang gumagamit ng twitter at insta ko, at ako naman sa kanya. Lagi niyang chine-check ang mga personal accounts ko. Ganun naman siya lagi. Minsan nga nahuli ko siya, nagla-log in rin siya sa Facebook bilang ibang tao, at nalaman ko nun na isa siya sa admin sa JulNiel Groups. Isa siyang Hokage guys.
"Subukan niya lang talaga at makakatikim siya sakin.." Sabi pa niya at ipinakita pa ang kamo niya sakin at sumuntok ng dalawang beses sa ere. Natawa nalang ako. "Seryoso Julia, ayoko sa closeness niyo, lalake ako kaya alam ko ang pa-ninja moves niya."
Kumuha nalang ako ng isang slice ng pizza at isinubo yun sa kanya, ngumuso pa siya bago niya kinain ang pizza. Ang cute ni Daniel.
Kumuha rin siya ng isang slice at isinubo sakin.