Chapter 3- Happy Mother's day!

383 22 5
                                    

Follow me on Twitter guys, SimpleWriter08. Magandang Buhay sa lahat! Sorry sa mabagal na ud. Busy eh. :))

****

Julia

"Bhe, luto na. Yakang-yaka eh! Galing ba naman ng Chef ko!" Sabay kindat niya sakin, lumapit naman ako para tikman ang niluto niya.

"Sige nga." Kinuha ko yung kutsara at tinikman ang Ginataang Chicken Feet ala Daniel Padilla Version niya kasi daw with Love ang pagkaluto niya at may nilagay daw siya na hindi ko alam kung ano eh.

"Hmmm. Masarap nga Deej!" Nakangiti kong sambit at agad namang pumulupot sa beywang ko ang mga braso niya, ayan na naman siya naglalambing na naman ang isang Dj Padilla that I can't resist.

"So pwede na ba Mrs. Padilla?" Bulong niya sa taenga ko. Oh Goodness Gracious! Yung hot breathe niya dumadampi sa balat ko, at ang husky voice niya na nakakapanindig balahibo. Ang masasabi ko lang, you can't resist a Daniel Padilla.

"A-anong pwede na?" Nauutal ako, gosh. Humigpit lalo ang pagyakap niya sakin at mas lalong isiniksik sa leeg ko ang mukha niya.

"Pwede na, pwede ng magkapamilya. Hindi na ako makapaghintay na ipagluto ka araw-araw Mara."

Mariin akong napapikit, inalis ko ang mga braso niya at humarap sa kanya. Ako rin naman eh hindi na makapaghintay na makasama siya sa araw-araw, makatabi gabi-gabi at bumuo ng sariling Pamilya kasama siya.

"Bhe, Happy Mother's Day..." Malambing niyang sabi at kiniskis ang tungki ng ilong niya sa ilong ko at hindi ko inasahan ang pagnanakaw niya ng Halik sa labi ko. Napangiti nalang ako at itinulak siya ng bahagya, hindi na kasi ako makahinga sa sobrang close namin sa isa't-isa.

"Anong Happy Mother's day ka dyan.."

"Bhe naman, alam mo na yun..." Sabi niya at kumindat, agad namang nag-init ang buong mukha ko. Siguro, singpula ng hinog na kamatis ang mga pisngi ko ngayon. A-ano ba Daniel, private lang yun! Tsk

"Anak? Tapos na ba kayo dyan?" Biglang sabat ni Tita Carla na lumitaw nalang bigla sa likuran namin, agad kong nabitawan ang kamay ni Daniel at lumapit kay Tita para bumeso. Nakauwi na pala siya galing taping sa Magandang Buhay.

"GoodEvening po Tita."

"Ma naman, panira ka eh." saad ni Daniel at sinerve na yung niluto niya sa mesa

"Sige, magbibihis lang muna ako mga anak." Paalam ni Tita at iniwan na kami

Laging perfect timing talaga tong si Tita eh.

"Happy Mother's Day ulit Bhe.." Nakangisi niyang sabi at kinindatan na naman ako

"Dj ano ba..." Lagi niya talaga akong inaasar eh! Tapos kapag napikon ako, lalambingin niya na naman ako tapos hihingi na naman siya ng kiss. Yan ang Malupet na Hokage!

**

"Magbihis kana, hinanda ko na yung damit mo sa kama."

"Ako na dyan Daniel..."

"Hep. Prinsesa kita Mara. At ayokong napapagod ang Prinsesa ko." He winked, nakangusong tumango nalang ako at nagpaalam ng pumasok sa kwarto. Magmo-movie Marathon daw kami ngayon sa kwarto niya at ipinagpaalam narin niya ako kay Mama at Lola na dito ako matutulog. Hokage talaga si Daniel Padilla, alam na alam niya kung pano lambingin at bolahin ang pamilya ko para lang makasama ako.

Pagkapasok ko sa kwarto, nakahanda na sa Kama ang Batman T-shirt niya at shorts, susuotin ko. Speaking of Shorts, pinapayagan niya akong magsuot nito kapag nasa bahay lang kami, sa bahay lang talaga.

You Don't Know UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon