JulNiel is Real. OffCam is Real! Magkasama sila sa Belo Christmas Party. Ayiiehhh! Ihanda ang Oxygen Tank. Lol
Dos_xxx
***
Julia
"Ang ganda naman ng asawa ko.." Hinalikan niya ako sa leeg at para akong nakuryente sa ginawa niya. Ugh, Daniel. Why?
"Ready ka naba?" Tanong ko nalang sa kanya habang tinitignan ang sarili ko sa harap ng salamin. Nakapulupot lamang siya saking likuran habang dinadaan ng labi niya ang leeg ko. Ugh. "Daniel, nakikiliti ako."
"Ready na ready bhe." Nakangiti niyang sagot sakin at kitang-kita ko sa salamin ang gwapo niyang mukha na nakatitig sakin. Tutunawin na niya ako sa mga titig niyang yan. "Sinabi sakin ni Doctora Belo na walang camera sa loob. So alam mo na yun ma, hindi mo kailangang umiwas sakin.. You can't stay away from me." Ugh Daniel, mas lalo lang akong mahuhulog sa sobrang lalim na bangin na ginawa mo at hindi ko alam kung makakalabas pa ba ako. Sobrang lalim ng ginawa mo na ayaw mo na akong paalisin sa loob.
"Oo pa, alam ko naman na hindi ako makakalayo sayo." Ngumiti ako sa kanya at hinaplos ang mga braso niyang nakayakap sakin. Gusto ko lang dito, sa mga yakap niya at wala ng iba pa.
Hinalikan niya ako sa pisngi bago niya pakawalan. Mahigpit na hinawakan niya ang kamay ko at sabay na kaming lumabas. Ready na kami sa Christmas Party ng Belo. Ayie.
Sumakay na ako sa kanyang bagong sasakyan. Gusto niya talagang ako ang unang makasakay kesa sa mama niya. "Tayo na?" Wika ko sa kanya nang titigan lang niya ako at parang wala ng balak paandarin pa ang sasakyan niya.
"Gusto ko tuloy itanong sa sarili ko kung bakit ang swerte swerte ko sayo, ma. Mahal na mahal kita at kahit anong mangyari..mamahalin at mamahalin kita.." Kumindat pa siya kaya naiinis ako na ang cute niya kapag kumikindat.
"Mahal na mahal rin kita, pa." Yumakap ako sa braso niya at hinalikan siya sa pisngi. Ugh, ang sweet.
Walang 30 minutes at nakarating na kami sa Belo Building. "Pwede mong bitiwan ang kamay ko Daniel.."
Tinignan niya akong nagdadalawang-isip kung bibitiwan ba niya pero sa huli hindi. Nakakainis. Nang makapasok na talaga kami sa 3rd floor, ako na ang bumitaw kasi ang rami ng tao.
Iisang table lang kami at kasama namin sa table si Miss Jennelyn Mercado na nakausap pa namin ni Daniel at ang isa pang kasama ni Ate Jenn. Kwento-kwento hanggang sa nagsimula na ang party at nagbigay ng speech si Doktora Vicky Belo sa harap ng lahat.
Sa ilalim ng mesa, inaabot ng palihim ni Daniel ang isang kamay ko at hinawakan ito. Ang kulit talaga ng lalakemg to. "Gusto mo pa ba? Ikukuha kita." Tanong niya sakin nang maubos ko ang kinuha niyang pagkain para sakin. "Ma?"
"Okay na ako. Ikaw, kumain kana." Itinulak ko sa harapan niya ang plato niyang hindi pa niya nagagalaw. "Pa, papayag akong uminom ka ng alak pero dapat may laman ang tyan mo."
"Amg sweet talaga ng asawa koooo.." Sagot niya at agad ko namang pinisil ang kamay niya sa ilalim sa lakas ng boses niya. Nakabalik narin si Ate Jenn na kinausap kanina ng iba pang actors na narito ngayon.
"Ang tahimik niyo ah, alam niyo? Minsan ko lang talaga kayo makitang magkasama dalawa? Diba nga, magkaibigan kayo.. Buti naman at magkasama kayo ngayon?" Basag ni Ate Jenn na nakangiti saming dalawa. "Ang cute niyo naman." Dugtong pa niya na ikinagiti ko.