Chapter 9- NewYork

275 19 7
                                    


Again, sorry po sa napakatagal na update dito. Wah! Sorry talaga. :(

***

Daniel

Simula nung nagpunta si Kath sa bahay ng bhebhe ko hanggang sa pag-aalis niya papuntang NewYork ay hindi kami nagkibuan o nag-usap man lang. Hinatid ko siya sa Airport na parang wala lang. Ni hindi siya nagpaalam. Aaminin ko, ako yung unang nagalit. Pero ewan ko ba't bakit parang galit din siya sakin? Sino ba sa'min ang may kasalanan? Tsk tsk. Diba dapat sinuyo na niya ako nung nainis ako sa palusot niyang iyon kay Kath? Hindi makatarungan eh, ako yung naipit siya yung nasaktan. Tsk

"Ma, mag-ingat ka dun. Wala pa naman ako. I love you ma."

Great. Parang wala talaga siyang narinig nung sinabi ko yun.

Masakit sa loob ko na ganito kami ngayon. Pero syempre, hindi ako sumusuko. At hindi ko talaga siya susukuan.

"Julia."

Parang baliw na nakatingala ako sa Wallclock ng kwarto namin. Tick tock. Tick tock! Shit. Miss na miss ko na siya. Bakit hindi rin niya sinasagot ang mga tawag ko? Masyado ba siyang nag-enjoy doon at nakalimutan na niya ako?

Kinuha ko ang cellphone ko sa ilalim ng unan at binuksan lahat ng accounts ko sa Twitter, Insta at Facebook. Pero sana pala hindi ko na tinignan. Paulo Avelino. Tsk tsk. Nag-enjoy ata siyang kasama yun!

Sa inis ko tinawagan ko siya. Hindi pala ako naiinis, nagseselos! Bakla nabang umamin? Masakit eh! Para na'kong lantang gulay dito tapos yung lalakeng yun pasimple sa asawa ko?

Hindi talaga niya sinasagot. "Ano ba ma. Masakit na sa puso oh." Parang baliw na kinausap ko ang picture niya.

" Parang baliw na kinausap ko ang picture niya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


.

.

.

.

"Ano? Susundan mo siya sa NewYork?"  Nabigla ko ba si James? Kailangan ba niyang sumigaw? Tsk

"Pare ansakit sa eardrums. Oo nga. Pupunta ako. Tulungan mo'kong kumuha ng ticket. Sikreto lang natin to. Ako ng bahala dito.. Sa susunod na araw na uwi niya kaya kailangan ko ng makaalis ngayon na talaga.. Ano? Matutulungan mo ba ako?"

"Sige. Just relax bro. Chill ka lang. Last shoot bro, promise. Tutulungan ka namin ni Nadia."

"Salamat."

Para na'kong mababaliw dito kaiisip sa kanya eh. Hindi ko kayang maghintay lang at walang gagawin. Hindi kami okay kaya gagawa ako ng paraan, kahit ano para bumalik kami sa dati.

 Hindi kami okay kaya gagawa ako ng paraan, kahit ano para bumalik kami sa dati

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
You Don't Know UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon