YOU DON'T KNOW US
CHAPTER 21-PALAWAN PART II
Sa totoo lang hindi ako nakatulog nang maayos sa sinabi ni Kath kagabi. Mahirap talaga eh. Hindi ko rin kaya pero naisip ko na kung para naman kay Daniel at sa career niya, bakit hindi ko nalang gawin? Pipilitin ko.
"Goodmorning!" nakangiting bati sakin ni Anjo na may dalang isang slice ng watermelon at binigay sakin. "For you, matamis yan.."
"Salamat Anjo. Good morning.." ngumiti rin ako at kinain ang melon. Hmm, masarap nga't matamis.
Napatingin ako sa di kalayuan kung saan magkasama si Kath at DJ na nagpi-pic together. Hmm, sinabi naman niya ang tungkol sa ginagawa nila ngayon na for the fans at kailangan may pictures for update sa kanilang loveteam.
"Pwede ba kitang ma i-date mamaya? Kahit 30 minutes lang? May inihanda ako para sayo.." napatingin ako kay Anjo sa inaalok niya. "Sige na Juls, importante sakin tong bakasyon na to kasi nandito ka.." seryoso niyang sinabi at ang bad ko naman pag tinanggihan ko pa. Para makapag-usap narin kami ng maayos at masabi ko na hindi talaga kami pwede.
"Okay.." sagot ko naman na nagpingiti muli sa kanya.
"Salamat.."
Habang naghahanda ako ng lunch kasama si Anjo, biglang sumulpot si Dj at napatingin sa'min.
"Masarap tong niluto ni Juls, Dj. For sure mapaparami ang kain ko." Nakangiting sabi pa ni Anjo at tumingin sakin. Ang awkward naman neto, hays.
"Alam ko, masarap talagang magluto si Julia." Sagot naman ni Dj at ngumiti sa'kin.
"Ang swerte naman ng magiging asawa mo, maganda na, magaling pang magluto." Ani Anjo na nakatingin sa'kin. Napasulyap ako sa magiging reaksyon ni Dj sa sinabi ni Anjo at sumeryoso nga ang mukha niya at parang hindi na niya nagugustuhan ang bawat salita kilos ni Anjo towards sa'kin. Ramdam ko yun.
"Syempre naman. Talagang napaka-swerte.." sagot na naman ni Dj.
"Kung pwede lang na ligawan ka eh.."
Kita ko ang pagtaas ng kilay ni Dj sa sinabi ni Anjo at pati rin ako ay hindi ko alam ang sasabihin.
"Pwede ba?" tanong neto at seryosong tumingin sa'kin. Napalunok naman ako at hindi alam ang isasagot. Nasa harapan kaya naming si Dj. Ugh!
"Uh.. sa ngayon, hindi ko pa alam Anjo. Focus ko kasi ngayon ang work ko." Umiwas ako ng tingin at nilagay na sa mesa ang ulam na niluto ko.
"Naiintindihan ko naman, pero maghihintay parin ako." Ani Anjo at ngumiti sa'kin. "Eh ikaw Dj? Kayo na siguro ni Kath nu?"
Napatingin ako kay Dj at sa isasagot niya.
"Uh, hin~~~"
"Uh oo Anjo, nanliligaw na yan kay Kath.." pagputol ko at napatingin siya sa'kin. "Sabi nga ni Kath sa'kin, sasagutin ka na niya Dj.." kunwari ay ngumiti ako at kilig na kilig kahit hindi naman talaga.
"Wow! Congrats Daniel.." masayang sinabi ni Anjo at bumaling na naman sa'kin. "Mamaya hihintayin kita ha?"
"Okay Anjo, thanks sa pagtulong dito.." pagkatapos nun ay lumabas muna ito para tawagin ang mga kasama pa naming for Lunch.
HINDI YUN NAGUSTUHAN NI DANIEL. Hays, ang hirap neto.
.
.