Pampagana mga bes 😘😘😍😍
JULIA
"Gising ka parin?" Tumayo ako nang makita ko siyang pagod sa kaka-practice ng gagawin niya sa MTWI.
"Sorry ma. Maingay ba ako masyado?" pagod na tanong niya at pabagsak na umupo sa sofa.
"Nagmumura ka pa." Lumapit ako at umupo sa tabi niya saka siya niyakap.
"Sayang to ma. Pandagdag sa kasal." Seryoso niyang sinabi kaya tinignan ko siya sa mukha at pinisil ang pisngi niya pero mahina lang. Hehe.
"Okay lang yan pa. Simpleng kasal lang naman ang gusto ko. Basta ikaw ang lalakeng kasama ko sa loob ng simbahan." Bigla niya akong hinalikan nang sabihin ko iyon at ngumiti siya. Pinanggigilan na naman niya akong yakapin na halos hindi na ako makahinga. Hays Daniel.
"I love you ma. Kahit anong mangyari, kahit bilyon pa silang basher dyan hindi kita bibitawan.."
"I love you too pa." Pumikit ako at humiga sa dibdib niya kung saan naririnig ko ang tibok ng puso niya. Napakalakas pero ang sarap pakinggan. Parang musika.
"Sa susunod na araw na ang alis namin.." Oo nga pala. Babiyahe na naman sila para sa International Screening.
"Mag-ingat kayo." Ilang araw din yun. Napapaisip na naman ako na baka magkasama na naman sila sa iisang kwarto doon. Paano kung.....kung.... Ugh! Bakit ba ako nag-iisip ng masama? Hindi ganun si Daniel. Nakakainis lang. Hindi dapat ako nag-iisip ng ganito. May tiwala ako sa kanya. Hindi niya gagawin yun. Ngayon pa ba ako mag-iisip ng ganito sa sobrang tagal na namin? Pero kasi, hindi ko talaga maiwasan mag-isip ng ganun sa twing magkasama sila.
"Pa?" Tiningala ko siya. Tulog.
**
Maaga akong nagising para ipagluto siya. Alam kong maaga din ang alis niya. "Goodmorning..." Pumulupot ang mga braso niya sa beywang ko at naramdaman ko sa leeg ko ang nakakakiliti niyang hininga.
"Goodmorning Pogi. Kain na." Nakangiti kong bati at humarap sa kanya. Bagong ligo yung bebe ko. Ang gwapo.
"Naks naman ma. Mas lalong gumaganda ang umaga ko sayo.." Kindat naman niya kaya pinisil ko ang ilong niya. Naku naku! Laking padilla talaga to! Haha!
"Araw-araw, maganda ang gising ko dahil sa napakagandang dilag na nasa harapan ko ngayon na mgiging Padilla na, konti nalang." Kumindat ulit siya. Naku naman. Busog na busog lagi ang puso ko sa mga cheesy lines niya eh. "I love you..."
"I love you too. Kain na tayo." Hinila ko na siya paupo baka lumamig na yung pagkain sa sobrang sweet namin sa isa't-isa eh.