Pasensya at hindi pa ako nakapag-update sa ATY Book 2. Ilang drafts na kasi ang naisulat ko pero hindi parin eh. Naghahanap pa ako ng magandang Part sa 1st chapter ng season II. 😭😭
-Dos_Xxx-***
JULIA
"Nasan si Daniel?" Kanina ay tinanong rin yan ni Nadine at James, pero ngayon hindi ko parin masagot. Nawala nalang siya paggising ko. Nawala nalang siya, hindi man lang nag-iwan ng notes o kahit text man lang.
Dalawang araw na hindi pa siya umuuwi. Pero nabalitaan ko na busy siya sa pictorial nila ni Kath para sa isang magazine at iilang advetisement sa tv.
"Hindi ba siya nagpaalam sayo na isang buwan siysng mawawala?"
Hindi ko alam na isang buwan siyang mawawala.
"Juls, ako na maghahatid sayo sa taping mo."
"Okay lang Quen. Kaya ko. Okay ako."
Okay lang ako at kailangan kong maging okay para maayos ang delivery ng mga lines ko mamaya sa set.
"Lagi mo nalang sinasabing okay ka, kahit hindi."
"Julia, ang sakit.. Parang hindi mo'ko mahal. Ano ba ako sayo? Bakit hindi ako kasali sa lahat ng desisyon mo?"
Daniel, sorry. Naiinis ako sa sarili ko ngayon kasi alam kong lagi ko siyang nasasaktan kahit hindi ko sinasadya. Lagi akong nagdedesisyon na hindi ko sinasabi sa kanya pero siya, lahat sinasabi niya sakin.
"Alam mo Juls, tara na." Hinila ako ni Quen patayo pero bigla akong nahilo. Napahawak akong mahigpit sa braso niya. "Juls? Bakit?"
"Wala kasi akong tulog kagabi. Dalawang oras lang ang tulog ko kanina." Sagot ko naman kaya pinaupo niya ako ulit at binigyan ng tubig.
"Are you sure?"
"Oo..." Siguro, stressed lang talaga ako kaya ako nahilo.
"Etetext ko si Dj..." Pinigilan ko siya. Kahit etext niya, hindi yun uuwi. Hindi pa ata sila tapos. Isang buwan siyang hindi makakauwi.
"Wag. Please, wag. Iinom nalang ako ng gamot." Ayokong makadistorbo sa kathniel.
"Okay, pero dadalhin na lang kita sa Doctor."
"Hindi na. Iinom ako ng gamot at pwede mo'kong ihatid. Hinihintay na nila ako." Tinitigan ako ni Quen. Hinaplos niya ang pisngi ko and it feels awkward.
"Masaya ako para sainyo at ang swerte ni Daniel sayo, kasi ikaw...sobra kang magmahal."
--
Nasa Roma ngayon si Daniel. Pinapanood ko nalang siya ngayon. Missed na kita, Daniel.
"Malapit na pala ang Birthday ni Momshie Karla bes. Anong plano mo?" Tanong sakin ni Nadine habang abala kami sa paghahanda ng dinner naming apat nila James at Quen. Day-off naming apat.
"Hihintayin ko muna si Daniel bago magdesisyon pero marami na akong plano sa araw ni Tita." Nakangiti kong sagot sa kanya. Nginitian naman niya ako.
"Kailan ba uuwi si Daniel?"
"This week, di ko lang alam kung anong petsa. Maggi-guest kasi siya sa MB."
"Naks naman. Sana maging okay na kayo. Di paba kayo nag-uusap?"
Napabuntong-hininga ako. Ni hindi talaga siya nagtetext o tawag sakin. As in wala simula nung nag-away kami. Wala. Nag-aalala na ako. Paano kung hindi na niya ako mahal?
O baka...ayaw na niya talaga?
Daniel.
"Gets ko na. Tatlong linggo na ang nakalipas Julia. Nag-aalala na ako para sa inyo..." Malungkot niyang sinabi sakin