Super late Update. Tapos na tuloy christmas and New Year. 😢
**
JULIA
"For sure magugustuhan ni Dj lahat ng to." nakangiting sabi ni Nadz habang inaayos namin ang Christmas Tree dito sa Sala. Napangiti rin ako kapag naiisip na talagang matutuwa si Dj sa Prize na ito.
"Excited ka naba?" Tanong naman niya sabay tili ng mahina lang naman. Syempre ako, di ko naman maitago yung kilig at excitement ko kaya eto Nadz teased me. "Ayieh!"
"First time to best eh. Na kami lang yung magkasama sa Christmas. Gusto ko rin namang ma-experience yung feeling na parang mag-asawa na talaga kami." Sagot ko pang nakangiti sa kanya. Napasulyap ako sa singsing ko sa ring finger. Ikakasal na kami soon.
"Eh kami ni Hubby, napagdesisyunan naming magpasko sa bahay namin. Pumayag siya." Kinikilig niyang sinabi sakin. Eto talagang best ko, inlove na inlove kay James. Perfect couple sila eh.
"Mabuti naman. Congrats sa teleserye mo best ah. Laki ng ratings. Fly high Jadines." Wika ko at bumaba para tignan ang kabuuan ng Christmas Tree. Malapit ng matapos. Malapit narin ang pasko, ilang araw nalang talaga.
"Salamat best."
Natigilan kami ni Nadz nang tumunog ang phone niya. Sinagot niya ito sa harap ko at napapangiti pa. Alam na.
"Sige, sige hubby. Tapusin lang namin to ha. Bye. See you, mwah! I love you too." And she ended the call at tumingin sakin. "We'll have a date..again.."
"Sige na. Ako nalang tatapos dito. Konti nalang naman eh. Paghintayin mo pa si Hayme.." Sabi ko sa kanya
"Okay lang best. Keri to." Sabay kindat niya at tinuloy na namin ang pagsasabit sa Christmas Tree.
Dada ng dada kami ni Nadz kaya hindi namin napansin ang pagpasok ni Daniel. Nalibang talaga kaming dalawa kaya hindi namin napansin ang presensya niya sa likod.
"Daniel?"
"Yieh, nandito na pala yung Hari eh. Oh best, I have to go." Nagpaalam na samin si Nadz dahil natapos narin namin. Hays. Salamat talaga sa kanya.
"Salamat." Hinatid ko siya sa labas. Nakasunod lang sakin si Daniel at nang wala na si Nadine ay pumasok na kami. Agad niya akong niyakap at hinalikan sa labi.
"Daniel, uy. Tama na." Nilayo ko yung mukha ko na ikinasimangot niya. Ang cute niya talaga pag nakanguso at nakakunot ang noo. Hahaha!
"Ma naman eh. May sasabihin ako sayo mamaya." Sabi pa niya at hinila na naman ang batok ko at hinalikan ako. "At sana...sana."
Nagtaka tuloy ako. Ano kaya yun? Tumigil ako sa halik at tinignan siya. "Hmm, ano yun pa? Sabihin mo na." Di na ako makapaghintay eh.
"Basta mamaya na. Saan na yung prize ko?"
Napangiti ako. "Mamaya ko narin sasabihin. Para patas."
"Ma naman." Kumalas na ako at hinila siya sa harapan ng Christmas Tree. Niyakap ko ang braso niya at ipinagsiklop ko ang mga kamay namin sa harap.
"I love you Ma."
"I love you too pa." Hinalikan niya ako sa noo. "Matutuwa ka sa prize ko."