Chapter 7- Sorry part II

299 18 4
                                    

Exclusive daw? Haha. Forever na nga daw sabi ni Deej sa picture eh. Binalandra na niya para makita ng lahat ah. :)

At sino pa may picture ni Dj na nakaupo ata yun siya sa sofa habang hawak ang FS na nakasulat I Love you Julia ? Nawala akin eh. Totoo pa naman yun kahit matagal na. Huhu. Btw, eto na. :) Enjoy reading! :))

#JulNielStillAliveAndKicking

****

Daniel

Alam kong may mali ako. Ako ang nagplano pero ako yung wala sa plano. Gusto ko talagang humabol kaso hindi ako pinayagan ng manager ko at ni Direk. Sobrang busy sa upcoming movie namin ni Kath. Tsk. Para akong lantang gulay na nakaupo lang sa Sofa at naghihintay ng himala sa buhay. Himala na baguhin lahat sa buhay ko. At makasama si Julia 24/7.

"Oh? Anyare sayo anak? Nakabusangot ka na nga, wala kapang tulog. Si Julia nasaan?" Paminsan-minsan talaga nakakainis si Mama kahit wala siyang ginagawang mali. Badtrip ako ngayon eh.

"Galing ako kagabi sa bahay namin. Kaso ang aga niyang umalis para sa taping at nakakainis lang na hindi man lang niya ako ginising para ihatid siya." Tamporurot ko sabay lapag ng likod ko sa sofa. Hay. Nakakapagod.

"Para yun lang anak? Sus."

Sus. Wala kang alam ma. Hays. Nakakainis.

"O, sabihin mo sa kanya na dito siya magdi-dinner mamayang gabi ha. I have to go na anak. May taping pa kami sa Magandang Buhay. At wag kang oa dyan. Hindi pa end of the world."  Wow ma, nakakatulong ka promise! Tsk. Pero siyempre hindi na ako sumagot. Iniisip ko lang si Julia.

Day-off ko pero hindi ko siya kasama. Kada-day off naman namin magkasama kami ah. Para talagang binangungot ako kagabi.

"Daniel, tuloy paba ang kasal?"

"Syempre naman Julia. Wala ng bawian yun. Wala ng atrasan. Sorry na. Hindi lang talaga ako nakahanap ng tyempo nun. Wala akong magawa. Sunod-sunod na interview at presscon kami ni kath."

Tumalikod siya at lumayo sakin kaya sinundan ko siya. Di ako sanay na tinatalikuran ni Julia. Nasasaktan ako.

"Ako rin naman ah. Pero Dj naman, lahat sila pumunta eh pati si Marikit na lumuwas pa dito makausap lang tayo."

"Magse-set ulit ako ng private meet-up."

"Wag na."

"Anong wag na? Julia.."

"Daniel, mas kailangan ka ata ni Kath.. Wag muna nating isipin ang tungkol sa kasal."

"Ano?! Julia, kung pwede ko lang sabihin na Engaged ka na sakin ginawa ko na. Pero pinipigilan mo'ko. Ano yun? Ayaw mo ng magpakasal? Hindi ako papayag."

"Daniel magpahinga muna tayo."

Kung alam lang nila na engaged kami sa isa't-isa. Kung pwede ko lang isigaw sa buong mundo eh ginawa ko na.. It's been two weeks. Hindi niya ako pinapansin kapag nandoon ako sa Condo namin. Para lang akong hangin doon. Pero walang araw na hindi ko siya sinamahan sa bahay kada-uwi niya galing set pero hindi parin niya ako kinakausap. Tapos ngayon malalaman kong may sakit siya.


Nasa event siya ngayon kasama ni Kath. Freshlook events. May sakit yung baby ko eh pero hindi man lang niya sinabi sakin. Malalaman ko pa online! Tsk.


Mas lalo lang tuloy sumasakit ang ulo ko kapag naiisip ko yung huling bangayan namin ni Julia. Tsk.


"Magpahinga muna tayo.. Wag muna nating pilitin Daniel, mismong tadhana na yung nagsasabi na Wag muna.. Mag-focus ka kay Kath.."


You Don't Know UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon