Chapter 25- Bad Liar

67 3 1
                                    




YDKU-Chapter 25 BAD LIAR

---

Julia's Pov~



"May new project kami ni Dj! And I'm so happy!" - Kath

"Wow! Congrats!" – Liza

"Congrats, Kath." Sabi ko at nilagay sa mesa ang niluto kong carbonara. We're all here except kay Dj na hindi pa tapos ang pictorial niya at susunod nalang daw dito. Nandito kami ngayon sa condo ko.

"Thank you, guys. Ang tagal naman ni Dj." Ani Kath at ngumiti sa'min.

Napansin namin si James na tahimik lang habang nakatingin sa kanyang phone at parang may hinihintay na tawag. Na notice din iyon ni Nadine at biglang na umcomfortable at nalungkot na. Akala ko okay na talaga sila.

"James, okay ka lang?" tanong ko sa kanya and he just smiled at me at tumango lang. Maya-maya lang ay tumayo siya at tumingin sa'min.

"I have to go. I'm sorry." Saad ni James at tumingin kay Nadine na nadismaya. "May naghihintay kasi sa'kin and I really have to go."

"Bakit? Sino?" Nadine asked at tumayo na rin. "Ngayon ka na nga lang ulit nakasabay sa'min eh. Mas importante ba yan James? Siya?" naiinis na tanong ni Nadine. Nagseselos na siya.

"Oo nga pare.." wika naman ni Enrique

"Sorry.." ani James at umalis sa mesa. Sinundan siya kagad ni Nadine. Alam kong iiyak na yun pero ayokong makielam sa ngayon. Nasasaktan rin ako para sa kanya. Nagkatinginan kaming lahat na naiwan. Nakakalungkot.

"Ayokong dumating sa ganung level kami ni Dj. Parang hindi ko kaya.." malungkot na sabi ni Kath. Napayuko naman ako at uminom ng juice ko.

Ilang Segundo lang ay pumasok si Nadine na umiiyak. Agad akong lumapit at niyakap siya.

"Hindi na niya ako mahal.." sabi nitong umiiyak. Gusto ko naring maiyak kasi ramdam na ramdam ko yung sakit na nararamdaman niya ngayon. Ang hirap naman kasi. "Sinubukan kong ayusin, Juls..pero wala eh.. hindi na maaayos ulit ang lahat."

Lumapit naman sila at napatingin sa'min. Worried na worried sila.

Sa ganung scene kami naabutan ni Dj. Nagtataka siyang napatingin sa'kin at agad naman siya niyakap ni Kath ng mahigpit.

"Anong nangyari?" tanong ni Deej sa'min.

"James left." Sagot naman ni Liza.

"Ano? Akala ko ba okay na kayo? Nasan ba siya? Kakausapin ko lang!" naiinis na sabi ni Dj at lalabas n asana kung hindi lang pinigilan ni Kath.

"Dj wag na. Hayaan nalang muna natin.." pigil ni Kath sa kanya. Napatingin sa'kin si Dj.

"Hindi Kath, hindi sana siya nananakit ng babae! Ano bang problema ng lalakeng yon? Nakakita lang ng bago?! Nasasaktan niya si Nadine! Hindi okay yun!" sigaw sa galit ni Dj pero pinigilan ulit siya ni Kath.

"Okay lang. kakausapin ko nalang siya bukas." Saad ni Nadine. "Salamat guys.."

"Dito ka nalang muna Nadz.." sabi ko at tumango naman siya. Hinawakan ko siya at pinaupo sa sofa. I will comfort her. "You deserve better, Nadz. Yung mamahalin ka at hindi ka susukuan.." I said to her at napatingin na naman sakin si Dj nang sabihin ko iyon.


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 02, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

You Don't Know UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon