Kamusta naman kaya ang SMB na wala si Juls? :( Ka-sad mga bhe. Pati si Daniel, na-sad.
**
DANIEL
"Okay ka lang? Kanina kapa tahimik dyan. May problema kaba?" Tanong ni Kath sa kalagitnaan ng byahe. Masyado bang obvious na, hindi ako okay? Iniisip ko ngayon si Juls.
"Wala. Nakakapanibago lang. Maraming wala sa ball." Sagot ko habang titig na titig sa daan habang nagmamaneho. Tumatakbo ngayon sa utak ko si Mara. Mas masaya siguro ang gabi na nandun siya kanina sa Ball. Kahit nasa malayo siya o nasa ibang mesa siya, o iba ang partner niya atleast nakikita ko siya at nakakasama. Tsk tsk. Bakit ba kasi ganun?
"Oo nga, umalis na kasi si Juls sa Star Magic eh." Sagot ni Kath at bigla kong naitigil ang sasakyan na ipinagtaka niya naman. "Dj? Bakit?"
"Alam mo na umalis siya? Kelan mo lang nalaman?" Sana hindi niya mahalata. Pero shit, halata na ako.
"Okay ka lang? Syempre, oo. Bestfriend kami kami kaya alam ko. Last month lang."
Shit. Shit! Shit! Mara! Ano bang gusto mong mangyari? Bakit mo'ko ginaganito? Sasabihin mo sa bestfriend mo lang pero ako na Fiance mo,hindi? Ano yun?! Ugh!
"Dj? Bakit? Bakit ka nagkakaganyan?" Nakakunot ang noo niyang tanong. Napapailing na pinaandar ko na lamang ang sasakyan. Last month, Julia? So, matagal mo ng tinatago sakin? Kung hindi ko pa nalaman, kelan mo kaya sasabihin? Bakit sa iba ko pa nalaman? Shit.
"Kaibigan ko siya, natural na mag-alala rin ako.." Maya-maya'y sagot ko. "Wag muna tayong umuwi, mag-date tayo.." Tinignan niya ako na parang na-amazed.
"Seryoso ka Dj? Magde-date, tayo??"
"Ayaw mo ba? Hindi lang naman oncam kita pwedeng ayain, pwedeng off-cam tulad ngayon... Kath, para saan pa at magka-loveteam tayo ngayon..." Sabi ko na lamang at lumiko papunta sa isang restaurant.
Nakangiting inalalayan ko si Kath sa pagbaba ng sasakyan. "Naks, gentleman ng pogi ah."
"Your highness..." At nagtawanan nalang kami habang papasok sa Resto na agad rin kaming pinaulanan ng mga flash ng camera. Tsk. Ano pa nga ba?
.
.
.
.
"Oh tignan mo, ang ganda ni Juls sa kasal ni Ate Harley oh."
Kasal.
Dapat ikakasal narin kami eh.
"Patingin.." Lumapit ako para tignan ang cellphone niya and I saw the prettiest girl on earth. My Julia. Inside, napapangiti na ako. Para siya yung ikakasal at ako ang Groom.
"Talagang magaling mag make-up si Juls.." Sabi pa niya at ngumiti sakin, "Alam mo bang ang swerte ng lalakeng mamahalin ng bestfriend ko? Sayang talaga sila ni Coco.. Hindi ko talaga alam kung bakit hindi pa niya sinasagot yung tao."
"Bakit? Talaga bang nanliligaw yun?"
Kahit alam ko, sinisigurado ko lang. Malay natin, may alam pa si Kath na hindi sinasabi sakin ni Mara.
"Oo. Pero ang sabi niya, hindi pa siya ready. Alam mo kasi Dj, tama rin naman si Juls.. Dapat pa niyang mas kilalanin yung tao."
"Hanggang ngayon ba nanliligaw parin yan?"
"Oo kahit alam ng tao na sila na daw. Kaya nga diba lumipat si Juls sa Cornerstone para palabasin na nag-break sila."
Napapaisip na lamang ako.