Chapter 13- Date and Confrontation

198 17 4
                                    



This will be a very long ride JulNiels kasi mahaba-haba ang paglalakbay natin sa kwento ng Julniel. :) Kahit na minsan lang ako magparamdam dito sa Wattpad, susulitin ko bawat update para sainyo. Sana magustuhan niyo ito. Salamat.

muahh:*

-Dos_xxx-

***

JULIA






"Teka lang pa. Andyan na." Eto naman excited sa date. Kailangan ko munang mag-ayos. Kailangang hindi kami makilala ni Dj. Tyak, malaking gulo yun.

Napalingon ako sa pintuan nang bumukas. Nakabusangot ang mukha na pumasok siya at lumapit sakin. Binigyan niya ako ng back-hug bago niya ginulo ulit ang buhok ko. "Uy ano ba, nasira tuloy. Mas lalong tatagal tayo.." Humarap kami pareho sa salamin at ngumiti. Agad niyang hinaplos ang aking pisngi at niyakap ako ng mahigpit.



"This is the city of Love!" aniya sabay spread ng both arms niya at ngumiti

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"This is the city of Love!" aniya sabay spread ng both arms niya at ngumiti. Kenkoy talaga yan.




"Bakit naging City of Love ang tawag dito?"










"Kasi...dito mo'ko sinagot." Full of love and emotion na sabi niya at hinila ako para yakapin. Ayoko munang sabihin kung nasan kami ngayon. At oo, dito sa lugar na to sinagot ko ang lalakeng ito.



"Dito... Dito sa spot na to. 5:36pm. Tandang-tanda ko ang araw, ang oras at panahon na sinagot mo'ko..." Aw, amg sweet ng hubby ko. Ako rin naman ay hindi kakalimutan ang araw na iyon.







Isa itong park na halos magkasintahan ang namamasyal at masasayang pamilya. At makikita din dito mamaya ang sunset, doon sa pinakamataas na bahagi ng park. Doon kami inabot ng umaga ni Daniel para tignan rin ang Sunrise.











It was soooo romantic.. Araw-araw, mas lalo ko siyang minamahal.









Walang makakapantay. Walang-wala na.












"Inaantok kanaba?" Tanong niya at inalalayan ang ulo ko sa dibdib niya.




"Oo..." Napapikit ako at pinakinggan ang tibok ng puso niya. Minsan, mag gusto ko nalanv pakinggan ang tibok ng puso niya kesa sa ibang kanta. Nakaka-wala ng stress.



"Umuwi na tayo.." Malambing niyang wika at hinaplos ang aking pisngi.






Nilisan namin ang parke at umuwi na. Nasa labas palang kami ng gate nang may humintong sasakyan sa harapan namin. Agad akong bumitaw kay Daniel at kinabahan.






"Anjo." Malamig ang boses na wika ni Daniel. Anong ginagawa dito ni Anjo?






"Daniel, Mara... Hindi ko alam na magkasama pala kayo. Bakit kayo magkasama?"





You Don't Know UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon