Chapter 20-Palawan

87 4 1
                                    


CHAPTER 20-PALAWAN



Julia's Pov~


"Juls, sumama ka'na." sabi ni DJ kaya napatingin ako sa kanya na binuksan na ang pintuan nang kotse para papasukin ako. Nasa front seat narin si Kath, ihahatid kasi siya ni Dj pauwi. Sumulyap si kath sakin at ngumiti.

"Sige na Juls, si Dj narin maghahatid sayo.." ani Kath nang nakangiti. Ewan ko ba, habang tumatagal nagi-guilty ako lalo. Mabait si Kath. Masasaktan siya kapag nalaman niya.

"Sige.." nang papasok na ako naramdaman ko ang mahinang haplos ni Deej sa braso ko sabay sara niya nang pinto. Shit. Baka makita pa siya eh.

"Excited na ako bukas sa Palawan.. hindi kasi kami natuloy ni Mama dun.." nilingon ako ni Kath "Juls, okay lang ba talaga na kasama si Anjo? Kasi ang awkward naman pag mag-isa ka lang walang partner, diba?"

Siguro nga baka magmukha pa akong bodyguard ng tatlong mag loveteam bukas, okay narin sakin atleast kasama ko parin si DJ. Tumango ako't ngumiti.

"Oo naman.. Wala namang masama. Mas masaya kaya kapag marami.." sagot ko pa at sumulyap kay Dj na tahimik lang. For sure, kumukulo nang dugo niyan.

"Oo nga at mas makikilala mo pa siya. Nakasabay ko si Anjo once eh, mabait naman siya at gentleman..Diba Dj? Bagay sila ni Julia?"

Napakagat labi ako nang tanungin pa niya si Deej na seryosong tumingin sa kanya at tumango. For sure, nagpipigil lang yan.

"Okay narin." Maiksing sagot ni Dj at pinaandar na ang sasakyan.



.

.


.

.

.

.

.

.

.

.

.





Nang maihatid na si Kath, dumiretso kami sa Condo namin. Hinawakan niya kagad ang kamay ko nang papasok na kami sa loob. Napakatahimik lang niya. Ano kayang iniisip niya? Si Anjo parin ba?

"Hindi niya kailangang gawin yun.. Hindi naman niya kailangang tawagan si Anjo para sayo bukas. Ma, nandoon rin naman ako. Hindi mo kailangan si Anjo o kahit na sino. Wala siyang karapatang unahan ka. Ayokong nandun si Anjo. Baka hindi ko mapigilan ang sarili ko." Sabi pa niya at hinila ako paupo sa lap niya at yumakap sakin.

"Sige na pa, hayaan nalang natin. Wala namang intension na masama si Kath eh, gusto lang niyang may makasama rin ako. Lahat naman kasi kayo may partner doon. Wala rin naman kaming gagawing masama.. Behave naman ako.."

"Alam ko, eh ang taong yun? May gusto siya sayo. Halata naman eh." Wika niya kaya pinisil ko ang magkabilang pisngi niya at hinalikan ang labi niya. Wala naman siyang dapat ipag-alala. Hindi niya kailangang magselos. Tumingin siya sa mga mata ko habang hinahaplos ko ang kanyang pisngi. Ang cute talagang magselos netong baby ko. Kahit marinig lang niya ang pangalan ni Coco o Anjo nagseselos na yan.

You Don't Know UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon