Ilang araw na'ba? Hays. Ok. Eto na. Medyo nakakalungkot lang talaga habang papalapit ang BALU. :(
**
JULIA
"Ate, si Kuya Daniel nandito.." bungad kagad ni Paulo nang sagutin ko ang tawag niya. Napabuntong-hininga ako. Halos dalawang linggo nang hindi kami nagkikita o nagkakasama. Masyadong busy. Busy rin talaga siya kasi papalapit na ang BALU. Hays.
"Ate, ang tamlay ni Kuya. Nandoon sa kwarto mo, tulog. Feeling ko may sakit." Nabahala naman ako bigla sa sinabi niya. Buti nalang talaga last scene na ito ngayong araw, at mukang magagabihan ako sa daan. Wala pa naman yung p.a ko.
May araw din na di siya nagpaparamdam. Pati ako. Wala.
"Ok, pauwi narin ako. Tatapusin lang namin to. Last take na. Magluluto ako ng sopas pag-uwi.." Sagot ko at nagpaalam na. Ilang minuto rin at tinawag na ako para sa eksena.
8pm
Dinala ko sa loob ng kwarto ang soup. Nakahiga siya at tulog parin. Tulog na mukhang pagod. Naaawa na ako sa kanya. Halos wala na siyang time sa sarili niya at kapag day-off naman niya, ako ang inaasikaso niya. Ang sama ko namang girlfriend.
Maingat na nilagay ko sa bedside table ang pagkain at lumapit sa kanya. Humiga ako at niyakap siya. Maya-maya'y gumalaw siya at humarap sakin nang nakapikit parin.
"Ma? Ngayon ka lang ba umuwi? Kumain ka naba?" inaantok na tanong niya at bakas sa boses niyang may sakit talaga siya.
"Nagluto ako ng sopas para sayo. Kumain ka." sabi ko at niyakap siya ng mahigpit.
"Susubuan mo'ko?" Dumilat siya at tumingin sa mga mata ko. "Ma, I missed you." At gumanti siya ng yakap na sobrang higpit.
"I missed you pa... Sorry na. Siguro, wala ka ng pahinga kaya ka nagkasakit."
"Sino ba namang hindi magkakasakit? Dalawang linggo na hindi kita nakasama." Napangiti ako bigla. Pabirong hinampas ko siya sa dibdib pero siyempre mahina lang.
Kinilig ako.
"Kung umabot yun ng isa o dalawang buwan, baka ikamatay ko na talaga. Hindi ko talaga kayang wala ka sa tabi ko..." Asus! Nagpapakilig siya eh. Ugh
"Pero seryoso ma. Pagod na talaga ako.." Mahinang sabi niya na ikinatahimik ko bigla.
Naghari ang karahimikan pero yakap parin niya ako.
Daniel....
"Teka lang, baka lumamig na yung soup. Subuan na kita ha." Kumalas ako sa yakap niya at kinuha yung soup. Dinoble ko ang unan niya para mas maayos siyang makakakain.
Tumingin muna siya sakin bago kinain ang isinubo ko, "Bakit?"
"Paganda ka talaga ng paganda sa paningin ko ma." Nahampas ko na naman siya. Hays! Daniel talaga pero kaninis kinilig ako dun!
"Totoo naman ah. Ibang-iba ka talaga sa lahat ma. Maganda. Mabait. Sweet. Lahat na. I love you ma."
"I love you too Daniel." Araw-araw niya akong sinasabihan ng mga bagay na nagpapakilig sakin. Yung feeling na, ikaw lang ang babae sa mga mata niya. Yung tinuring ka talagang reyna niya, ganun si Daniel. Napaka-seloso lang talaga niya. I leaned down and kiss him. Tinanggap naman niya ng mabilis ang halik ko hanggang sa.....kinagat niya ako! Ugh! Danielllll...