Torpe

48 2 0
                                    


Pasulyap-sulyap lang sa malayo
Tinititigan siyang maghapon
Nakadungaw lagi sa bintana
Pilit sinusandan ng tingin kung saan siya pupunta
Sa isip gustong mangharana
Sa realidad 'di magawa
Sa damdamin may gustong aminin
Kaso walang lakas ng loob para sabihin
Nanginginig ang tuhod tuwing lalapit
Pag magsasalita dila'y namimilipit
Tuwing siya ang katabi
Palaging di mapakali
Tibok ng puso'y bumibilis
Tumatagaktak ang pawis
At sa tuwing kakausapin
Nagmimistulang alien
Di alam ang sasabihin
Nauutal-utal at nabubulol
Tila ang dila'y  biglang nabubuhol

Yan ang mga katangian ng isang tulad ko
Isang simple...
At torpeng lalaki

ジョン・マルク

Jon maruku

S.O.S (Screams Of Silence)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon