Sapat???

17 1 0
                                    

Sapat na nga bang kaibigan lang kita?
Kung nung una palang mahal na talaga kita
Sapat na bang kaibigan mo lang ako?
Kung iba ang gusto ko, dahil gusto ko ay tayo
Sapat na bang itago ko nalang palagi ang nararamdaman?
Kahit na gustong-gusto ko na siyang ipagsigawan
Sapat na ba na ganito lang tayo?
Na naaalala mo lang ako pag nag-away kayo
Na naaalala mo lang ako pag may gusto kang ikwento tungkol sa inyo
Na naaalala mo lang ako pag nakalimutan ka niya
Na di mo naman talaga ako naaalala tuwing kasama mo siya
Sapat na ba?
Sapat na bang sayo'y wala akong kwenta?
Sapat na ba na lagi nalang akong umaasa?
Sapat na ba?
Sapat na ba para masabi kong tama na
Sapat na para masabi kong ayoko na
Sapat na para tigilan na
Ang katangahan kong SAPAT NA...

Sapat???
By: JonMakuDesu

S.O.S (Screams Of Silence)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon