Sa IkaSampu

26 0 0
                                    

May sasabihin ako sayo

At dadaanin ko ang pagsasabi nito

Sa pagbilang ko ng isa hanggang sampu

At magsisimula na ako


ISA ka sa mga taong di ako magdaDALAWAng isip na sabihan

Nang TATLOng salitang nangangahulugan 

Nang isang salita sa ingles na binubuo ng APAT na letra

At nangangahulugan rin ng isang salita

Na binubuo naman nang LIMAng letra sa tagalog

Na mas mahalaga pa sa ANIM na mahiwagang bato na nanggaling sa kalawakan

Na pilit pinag-aagawan sa isang pelikula na halos PITOng beses ko ng nasaksihan

Isang pelikula na may WAlOng salita sa pangalan

Na 'di parin kayang tumbasan

Ang SIYAM na letra na bumubuo sa dalawang salita

Na aking babanggitin sa ikaSAMPU ng aking bilang


isa, dalawa, tatlo

apat, lima, anim, pito

walo, siyam, sampu

Tapos na akong magbilang

"MAHAL KITA" yun lang

Paalam


-JonMakuDesu

S.O.S (Screams Of Silence)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon