Eto Na

15 1 0
                                    

Eto na...
Eto na tayo sa huling pahina
Huling pahina ng huling kabanata
Huling kabanata ng ginawa nating istorya
Ang istorya na tungkol sating dalawa
Sating dalawa na patapos na
Patapos na kasabay ng pagsasara ng librong tayo ang may akda

Eto na...
Eto na tayo sa dulo
Sa dulo ng storya na ating binuo
Binuo ng pagmamahalang totoo
Totoo na hindi akalaing magkakaganito
Ganito na aabot sa dulo
Sa dulo ng kwento
Ang kwento ng tayo
Ang tayo na ngayo'y babalik na lang sa pagiging basta ikaw at basta ako

Eto na...
Eto na ang parte kung saan may masasaktan
Ang parte kung san may maiiwan at mang-iiwan
Ang parte kung saan may bibitawan
Ang parte kung saan may magiging luhaan
Ang parte ng kalayaan
Ang parte na magigi nalamang nakaraan
Ang parte na di na natin nanaising balikan

Eto na...
Eto na ang parte ng pamamaalam
Ang parte na mawawala na ang pagmamahalan
Ang parte na masasabi mong sayang
Mahal parin kita pero hanggang dito nalang...

~EtoNa
By: JonMakuDesu

S.O.S (Screams Of Silence)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon