Tagahanga

48 2 0
                                    


Hindi ko alam kung pano magsisimula
Kung pano uumpisahan itong tula
Kung pano sasabihin ang dalawang salita
Na binubuo ng siyam na letra

Katagang mahal kita
Sa taong di ako kilala
Sa taong aking hinahangaan
Sa taong di manlang alam ang aking pangalan

Na isipan kong isulat ito
Upang dito na ipabatid sayo
Na labis akong humahanga sayo
Sa taglay nakagandaha't kabaitan mo

Ang isang tulad ko'y nahulog sayo
Na kahit na di ako nag eexist sayo
Basta nandito lang ako palagi para sayo
Dahil ako ay isang tagahanga mo
Na labis labis na nagmamahal sayo

Di mo man masuklian
Pag-ibig na inilaan
Kahit ako'y nasasaktan
Para sakin ay ok lang

Pagkat ganto ako kung magmahal
Lungkot sa puso'y di nagtatagal
Makita lang kitang nakangiti at masaya
Damdamin at puso ko ay ok na

At yan ay dahil mahal kita
Kaya ok lang kahit may mahal kang iba
Dahil isa lang naman akong hamak na tagahanga
At alam kong wala akong magagawa

Kaya't sana sa tulang ito
Kahit papano maiparating ko
Ang aking nararamdaman para sayo
At sana di mo ako pagtawanan
Sa aking kabaduyan at kakornihan

Wala akong magagawa dahil mahal kita
Mukang ganyan lang talaga pag-inlababo ka
Nagiging baduy at korni ka

Pero bago matapos ang tulang ito
Sana lang maunawaan mo ang laman nito
Ang isang lihim ng isang katulad ko
Isang lalaking may paghanga sayo

ジョン・マルク
Jon maruku

S.O.S (Screams Of Silence)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon