Mahal Parin

22 1 0
                                    

Eto na naman ako
Eto nanaman 'tong puso ko
Eto na naman ang nararamdaman ko para sayo
Eto na naman ang lungkot sa puso ko

Akala ko tapos na
Akala ko wala na
Pero nung gabing nagtext ka
Nung gabing nangamusta
Nung gabing bigla mo akong naalala
Dun ko napansin na hindi parin pala
Di parin nawawala
Di pa rin tapos pala
Mahal parin pala kita

Ang sakit
Ang sakit
Ang sakit
Lagi kong naiisip
Na nakahanap na ako ng bagong pag-ibig
Na di na ikaw ang laman ng puso ko't isip
Pero nung gabing muli kang nagbalik
Ang tibok ng puso ko'y pinabilis ulit
Ngunit sa huli'y, nauwi ito'y sa lungkot parin
Nauwi ito sa muling pagbalik ng sakit
Sana naman mawala na 'to
Sana ri'y matapos na 'to
Kasi ansakit na, durog na durog na ang puso ko
Dahil kahit na naaalala mo pa ako
Naiisip mo parin ako
Kahit na kilala mo parin ako
Alam ko sa sarili ko
Na hindi na kailan man magkakaroon ng tayo
At di na dapat ako magmahal sayo
Dahil hindi na kailan man maghihiwalay yung kayo

~MahalParin
By:JonMakuDesu

S.O.S (Screams Of Silence)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon