Pansamantala

31 0 0
                                    

Ito na naman

Ako muli ang 'yong unan

Sa damdamin mong nabibigatan

Ako ang sasalo sa lahat ng 'yong nararamdaman

Ako ang unan

Na sasalo sa puso mong muli na namang nasaktan

Ako na naman ang unan

Na pansamantalang magigi mong takbuhan

Takbuhan ng mga luha mong nag-uunahan

Ang mga luha mong paulit-ulit na lang

Na bumabasa sa dibdib ko na siya ng nagi mong unan

At panyo

Ako na naman ang panyo

Ito na naman ako

Ito na naman tayo

Ito na naman ang mga luha mo

Na sinasalo ng dibdib ko

Na nagsisilbi mong panyo

Sa bawat sandali na nagdurugo

Ang puso

Nang dahil sa isang tao

Isang taong 'di makita ang halaga mo

Na 'di ka mapahalagahan na kagaya ng pagpapahalaga ko

Isang taong mahal mo

Ang taong mahal mo

Pero 'di kayang ibalik ang pagmamahal mo

Ito na naman ako

Umaasa na makikita mo

Na nandito lang ako

Ang taong nagiging balikat mo

Ang taong nagiging tenga mo

Ang tao na handang maging sandalan mo

Ang tao na handang makinig sa lahat ng kwento mo

Kahit na sakit lang ang dala nito

Sa puso ko

Sa puso ko na patuloy na umaasa sayo

Umaasa na mapansin mo

Na nasasaktan ako

Pag nandito ka sa piling ko

Pag nandito ka sa tabi ko

Pero 'di ko magawang sabihin sayo

Na sana dito ka na lang sa tabi ko

Na manatili ka na lang sa piling ko

Na sana ako na lang ang piliin mo

Na sana ako na lang ang mahalin mo

Na sana ako na lang ang mahal mo

Na sana di na lang ako isang kaibigan mo

Kasi mahal kita, kaso

Pansamantala  mo lang ako

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 18, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

S.O.S (Screams Of Silence)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon