Gadget O Ako

41 1 0
                                    

Mabuti pa ang facebook napagpupuyatan mo
Eh ako magdamag nagiintay ng reply mo
pero hindi manlang makatanggap ng hi o hello mula sayo

Mabuti pa ang instagram updated sa buhay mo
Eh ako na parte mismo ng buhay mo
nanghuhula sa mga nangyayari sayo
Nag-iisip kung anong ginagawa mo,
kamusta ang araw mo
Nakauwi ka na ba sa inyo
naaalala mo pa ba ako

Mabuti pa nga ang dota o lol pinagaaksayahan mo ng oras at pera mo
Eh ako ni minsan di mo manlang napaglaanan ng oras mo na tanging hinihiling ko
Di ko naman sinasabing pagkagastusan mo ako
Di ko sinabing ibili mo ako nito, ibili mo ako nyan
Ang gusto ko lang naman
kahit konti oras mo saki'y ilaan
Kasi yun lang naman ang kailangan
Kahit yun lang

Ngayon...
Pano naman ako?
Palagi nalang bang ganito?
Sino ba talaga ang mahal mo?
Yang CP at PC mo?
O AKO?

~GadgetOAko
By: JonMakuDesu

S.O.S (Screams Of Silence)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon