Kulang Ako

25 0 0
                                    

Kulang ako kung wala ka

Kailan may 'di ako buo kung wala ka sa tabi ko

At ang magpakailanma'y wala 

Kung 'di rin naman ikaw ang kasama ko

Dahil ikaw narin ang buhay ko

Ikaw narin ang aking mundo

Dahil magmula ng dumating ka sa buhay ko

Ikaw narin ang nagi' kong mundo

At ikaw narin ang naging buhay ko

Kaya't sa paglisan mo'y

Parang pinatay mo na rin ako

Dahil kung wala ka'y kulang ako

Di ako mabubuo kung di rin naman ikaw ang kasama ko

Di rin ako ako, kung walang isang tulad mo

Dahil ikaw ang nagbigay buhay sa buhay ko

Ikaw ang naging ilaw sa madilim kong mundo

At ikaw rin ang naging dahilan sa tuluyang pagkaguho nito

Sana 'di ka na lang lumisan

Para di ko nasasabi sa sarili ko na sana sa umpisa palang

Di narin talaga kita nakilala manlang

Kasi ang hirap ng muling maging kulang

Lalo na kung ikaw naman ang dahilan


-JonMakuDesu

S.O.S (Screams Of Silence)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon