Magmahal Ka Ng Iba

26 1 0
                                    

Maghanap ka ng iba
Nagjojoke ka ba?
Mahal kita tapos maghahanap ako ng iba?
Mahal na mahal kita tapos magmamahal pa ako ng iba?
Ano ako tanga?
Ano ako? Tanga?

Oo.
Oo tanga
Isang malaking tanga
Isang malaking tanga ang magmahal ng iba
Yan ang sabi ko nung una
Yan ang pinaniwalaan ko nung una
Pero ngayon ako'y nagsisisi na
Sobrang nagsisisi na
Dahil sa pag-ibig di lang pala dapat isa
Sa pagmamahal di lang dapat isa
Di dapat magmahal lang ng isa
Dahil sa huli dapat mahal mo rin ang sarili mo habang minamahal mo siya
Dahil kapag nawala na siya
Tanging ang sarili mo nalang
Ay tangi mong masasandalan

~MagmahalKaNgIba
By: JonMakuDesu

S.O.S (Screams Of Silence)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon