Masaya Ako Kahit Hindi

18 1 0
                                    

Paano nga bang lumuha?
Kailangan bang masaktan muna?
O kailangan bang tumawa muna?
Kailangan ba munang maging masaya?
Para bago matapos ang araw ay umiyak ka?
Para sa paggising mo sa maga
Basa ang 'yong mga mata?
Kailangan ba maging sobra 'kong saya?
Para ang luha ko rin ay sobra sobra?
Kailangan ko bang ngumiti magdamag?
Para kahit isang segundo lang luha ko ay pumatak
Kasi gusto ko ng lumuha
Kasi gusto ko ng lumaya
Sa problema kong madaya
Sa problema kong ayaw magparaya
Sa problema kong kasama ko mula pa ng bata
Hanggang sa ngayon na isa na akong binata

Paano nga bang lumuha?
Kung ang peke 'kong ngiti sa labi'y di na nawala.

~MasayaAkoKahitHindi
By:JonMakuDesu

S.O.S (Screams Of Silence)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon