Untitled Part 51

40 0 0
                                    

Ikaw ang aking mahal

Ikaw na aking lahat,

Ikaw na 'di nagtagal

at ako na hindi sapat

Ito ay isang kwento

Ang kwento mo at kwento ko


Nagsimula sa hi at nagtapos sa goodbye

Parang isang pelikulang pang K-drama

Kwento ng pag-ibig na namatay

Kwento ng pag-ibig na madrama

Katagang mahal kita at ikaw lang sinta

Mga salitang sa umpisa lang maganda

Kasi sa huli nalilimutan na

Kung masambit ma'y wala na ring halaga

Kasi para bang sinabi lang

At  wala namang kahulugan

Parang sandwich na walang palaman

May lasa pero walang linamnam

'Di naman sa 'di makuntento

Pero ano bang silbi ng isang bagay kong 'di naman totoo?

Ano yun? para lang pakitang tao?

Yun bang parang ganito,

Maitim kaya't magpapaputi para masabing gwapo,

Lalaki pero maghihikaw para masabing "BadBoy",

Pangit, pero mangungulekta ng chix para masabing "PakBoy".

Kailangan ba nating maging ganito para masabing may tayo?

Kailangan ba nating maglokohan para maging masaya lang tayo?

Nasan ang saya sa panloloko?

Nasan ang tayo sa katagang "Ayoko na sayo"?

Mahal kita oo,

Pero di porke't mahal kita magpapakatanga na 'ko sayo

Mahal kita pero 'di lang ikaw ang babae sa mundo

Mahal kita pero iba na ang usapan kung ang mahal mo'y hindi na ako

Mahal kita pero mas mabuti pang lumisan

Kesa sa umasa na ang I love you ko'y muli pang masuklian

Mas mabuti nang lumisan at lumuha

Kesa sa patuloy na umasa sa wala

Kaya't para sa lahat ng katulad ko

Kung kaya niyong lumayo sa taong sinasaktan kayo

Sana matuto din kayo na lumayo

Sa taong manloloko

Dahil tanga na kung tanga 'tong sinasabi ko

Pero tandaan niyo

Baka isang araw ikaw ri'y maging katulad ko

Baka isang araw sa paggising mo

Baka mas gustuhin mo nalang makalimot

Kesa makita ang taong mahal mong

May iba nang kasiping sa ilalim ng kumot


-JonMakuDesu

S.O.S (Screams Of Silence)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon