Panakip Butas

44 1 0
                                    

Kamusta?
Naaalala mo pa ba?
Nung araw na saki'y lumuha ka
Sa harap ko'y umiyak ka
Dahil sa ang mahal mo'y pinaluha ka
Dahil muli kang nasaktan niya
Naaalala mo pa ba?
Ng singahan mo ang panyo kong dala
Nakakatawa
Nakakatawa't nakakatuwa dahil kahit papano napangiti kita
Ang saya ko nun alam mo ba?
Alam ko di tama
Alam kong masama
Alam kong masama dahil nasasaktan ka
Pero di ko mapigilang matuwa
Di ko mapigilang matuwa kasi ako pala'y naaalala mo pa
Masakit din sakin, masakit din dahil nakikita kitang nasasaktan
Pero masaya ako dahil nagi mo akong sandalan
Nagi mo akong balikat na masasandalan
Panyo na maiiyakan
At isang kaibigan
Kaibigang pwede mong lapitan
Iyakan
Sandalan
At paglabasan
Paglabasan ng sakit na nararamdaman
Mula sa boyfriend mong pareho nating di maintindihan
Parang andali lang sa kanya na ika'y saktan
Na parang hindi ka niya pinapahalagahan
Pero hindi kita masisisi kung di mo siya makuhang iwan
Ganun talaga kapag mahal na mahal mo ang tao
Di mo kayang bitawan kahit sobra ka ng nahihirapan
Kahit sobra ka ng nasasaktan
Pero manalig ka lang dahil mahal ka niyan
Kaya't wag kang mag-alala't, mag-alinlangan
Basta lagi mo lang tatandaan
Andito lang ako lagi sa tabi mo
Andito lang ako lagi para sayo
Kahit na bilang band-aid ng nagdurugo mong puso
Kahit na panandalian lang
Kahit bilang panandaliang panakip-butas lang

~PanakipButas
By: JonMakuDesu

S.O.S (Screams Of Silence)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon