Bakit Mo Ako Sinayang

75 1 0
                                    

Bakit mo ako sinayang?
Bakit mo ako iniwan?
Mga tanong mo sakin na di ko makalimutan
Mga tanong na di maalis saking isipan
Pero sana maintindihan
Hindi lahat ng nang-iiwan walang dahilan
Mahal kita alam mo ba?
At ni minsan di ko pinangarap na iwan ka
Pero maiintindihan mo ba?
Alam ko mahal mo ako
Mahal na mahal mo ako
At ganun din ako
At ayaw na ayaw kong masaktan ka
Ayaw na ayaw kong lumuha ka
Lalo na kung ang magiging dahilan ay ako pa
Kasi mahal na mahal kita
Mahal na mahal na di ko kayang hawakan ka pa
Ayokong hawakan ka pa kasi baka di mo ako bitawan
Baka di mo ko magawang bitawan pagdating ng araw ng aking pamamaaalam
Mahal kita
Mahal na mahal kita
Mahal na mahal na di ko kayang sabihin na
Sabihin na
Di kayang sabihin na di na ako magtatagal
Basta mag-iingat ka lagi mahal
Pasensya na kung iniwan kita
Kung iiwan kita
Kung nasaktan kita
Kung nasasaktan kita
Kung duwag ako
Kung wala akong lakas ng loob sabihin sayo
Kung anlaki kong bobo
Pasensya na kung kailangan kitang iwan
Kung di ko sayo masabi na hindi kita sinayang
Di kita sinayang
Talaga lang ang paglalakbay ko'y hanggang dito nalang...

Mahal laging mag-iingat ka
Sa langit ipagdarasal lagi kita
Sa taas babantayan kita
Basta
Lagi mong tatandaang nasa tabi mo lang ako
At mahal na mahal kita hanggang sa muli nating pagtatagpo

~BakitMoAkoSinayang
By: JonMakuDesu

S.O.S (Screams Of Silence)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon