Choice

19 1 0
                                    

Ipaglalaban o bibitawan?
Matapos kang magtiis ng ilang taon, ilang buwan
Kaya mo parin bang ipaglaban?
O mas gugustuhin mo na lamang bitawan?
Gugustuhing ayawan ang laban na matagal mo ng simulan
Pero hanggang ngayon di parin natutuldukan
Ang laban na matagal mo ng pinanghahawakan
Ang laban na matagal mo ng ipinaglalaban
Handa ka na bang ito'y talikuran?
Handa ka na bang ito'y bitawan?
Handa ka na bang siya'y sukuan?
O mas pipiliin mo paring lumaban
Mas pipiliin na ituloy ang nasimulan
Ang piliin ang lumaban sa isang bagay na wala kang kasiguraduhan
Lumaban kahit wala ka ng maintindihan
Lumaban ng ikaw na lamang
Lumaban kahit sobra ka ng nasasaktan
Lumaban kahit gusto mo na talagang bitawan

Kakayanin mo pa ba kahit masakit na?
O bibitiw ka na dahil kailangan mo na?
Kakayanin mo pa ba kahit pagod ka na?
O bibitiw ka na dahil alam mong wala na?
Kahit wala na talaga...
Lalaban pa ba o bibitaw na?
Sundin mo ang yung nadarama
Dahil sa huli ikaw ang huhusga

~Choice
By: JonMakuDesu

S.O.S (Screams Of Silence)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon