Ikaw Parin

27 1 0
                                    

IkawParin
By:JonMakuDesu

Mahigit sa dalawang taon na
Mahigit sa dalawang taon na
Mula nung una kitang nakilala
Mula nung unang beses na nagtagpo ang ating mga mata
Mula sa palitan natin ng tingin sa isa't isa
Mahigit sa dalawang taon na
Mahigit sa dalawang taon na ng unang nakilala kita
Ang babae na nagpahulog sa puso kong umaasa
Umaasa na sa panibagong buhay ko sa kolehiyo ay makakakita
Makakakita't makakahanap ng taong iibigin at bibigyan ng halaga
Makakakita't makakahanap ng taong magbibigay sakin ng halaga
At akala ko nakita ko na siya
Noong araw na nakita kita

Mahigit sa dalawang taon na
Mahigit sa dalawang taon na
Mahigit sa dalawang taon na ang nakalipas mula ng naging masaya ako tuwing nakikita ka
Tuwing nakikitang masaya ka
At mahigit sa dalawang taon na ang nakalipas mula ng naging malungkot ako
Tuwing nakikita kong malungkot ka at may mga luha sayong mga mata
Mahigit sa dalawang taon na
Mahigit sa dalawang taon na ang nakalipas ng una kong nasabi sa sarili ko na mahal talaga kita
At nasabi ko yun ng isang araw nalaman kong sinagot mo na siya
At sa di ko malamang dahilan ang puso ko'y tila kumirot bigla
Ang puso ko'y sumakit bigla
Ang mundo ko'y huminto bigla
At nasabi ko sa sarili ko na ang laki ko talagang tanga

Mahigit sa dalawang taon na pala
Mahigit sa dalawang taon na pala kayong dalawa
Mahigit sa dalawang taon na pala kayong magkasama
Mahigit sa dalawang taon na din pala akong umaasa
Mahigit sa dalawang taon narin pala akong nagpapakatanga
Mahigit sa dalawang taon narin pala akong lumuluha
Mahigit sa dalawang taon na pala

Mahigit sa dalawang taon na pala
Mahigit sa dalawang taon narin pala
Simula ng inisip kong tapos na
Simula ng inisip ko na wala na
Simula ng inisip ko na ayoko na
Simula ng inisip ko na tanggap ko na
Simula ng inisip ko na ang mahalaga'y masaya ka
Di na bale kung ang dahilan nun ay hindi ako kundi siya
At di na bale kung di ako kasali sa istorya mo
Di na bale kung wala akong puwang dyan sa puso mo
Di na bale kung wala akong papel sa buhay mo
Di na bale kung di na ako parte ng kahit anong konektado sayo
Dahil sakin ang mahalaga lang ay ang makita ko ang mga ngiti sa labi mo

Ngunit isang gabi nagtext ka
Nung isang gabi nagtext ka
Nung gabing nangamusta
Nung gabing bigla mo akong naalala
Dun ko napansin na hindi parin pala
Dun ko naisip na hindi parin pala
Dun ko napatanuyan na hindi rin talaga
Di rin pala
Di parin pala
Di parin talaga
Di parin nawawala
Di pa rin tapos pala
Mahal parin pala kita

At kahit sa mahigit sa dalawang taong lumipas aking sinta
Mahal parin pala kita
Sa mahigit sa dalawang taong lumipas sinta
Mahal ko'y ikaw parin pala
Sa mahigit sa dalawang taong lumipas sinta
Mahal ko'y ikaw lang pala talaga

At sa mahigit sa dalawang taong lumipas sinta
IkawParin pala

S.O.S (Screams Of Silence)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon