Ngiti

29 1 0
                                    

Sa iyong ngiti ako'y nahuhumaling...
At ang ngiti mo ang tangi kong hiling
Ang hiling na pag-gising ko sa umaga
Sana mga ngiti mo ang una kong makita
Mga ngiti mo na sa mundo ko'y nagpapasaya
Ang ngiti mo na gusto ko laging makita
Pero...
Habang masaya ako na nakikita ang mga ngiti mo
Kasabay nun ang pagkadurog ng puso ko
Dahil sa kabila ng saya na nararamdaman ko
Ay ang sakit na nararamdaman nitong puso ko
Dahil tuwing nakikita ko ang mga ngiti mo
Naiisip ko
At naiinis ako pag naiisip ko
Na ang dahilan ng mga ngiti mo
Ay hindi ako at kailanma'y di magiging ako

~Ngiti
By: JonMakuDesu

S.O.S (Screams Of Silence)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon