Torpe(3)

14 1 0
                                    

Sana...
Sana'y marinig, pabulong kong himig
Sana'y mabatid, tinatago kong pag-ibig
Dahil di ko kayang ipakita
Di ko kayang sabihin
Pero alam kong halata
Kahit di ko aminin
Sa lahat ng gawin
At sa lahat ng pagpapapansin
Unti-unting pinapakita
Tunay kong nadarama
Kaya't sana
Sana talaga
Sana hindi ko man sabihin ng harapan
Sana makuha mo ang lihim sa likod ng kakulitan
Katangahan
Kalokohan
Kabaduyan
Kakornihan
At sa kakabiro ko ng salitang MAHAL din KITA
Na sa sobrang paulit-ulit nagi mo ng paboritong katatawanan

~Torpe(3)
By: JonMakuDesu

S.O.S (Screams Of Silence)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon