Ako, Ang Sumayang Sayo

28 0 0
                                    

'Di na mabilang ang luhang pumatak sa lupa

'Di na mabilang ang tulang sinulat para sa wala

Tulang sinulat para sa natitirang pag-asa

Pag-asang malabo pa sa 'king mga mata

Pag-asang imposible

Pag-asang babalik ang dati

Pag-asang babalik ka

Pag-asang maging tayo pa

Pag-asang maging tayo ulit dalawa

Pag-asang babalikan pa

Pag-asang muli mong maalala

Na nandito't naghihintay pa

Na nandito't umaasa pa

Sa pagbabalik ng pag-ibig sa isa't isa

Sa pagbabalik ng pag-ibig mo sakin sinta

Umaasa parin na maalala

Mo

Ang ako

Na naghihintay sayo

Ang ako

Na naghihintay parin sa tayo

Ang ako

Ang taong sumayang sayo

S.O.S (Screams Of Silence)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon