Luha

36 1 0
                                    

Susulat ako ng tula
Kasabay ng pag-pigil ko saking mga luha
Luhang nagbabadyang bumagsak
Kasabay ng pagbagsak ng pag-asa
Pag-asang ako'y mamahalin mo pa

Ang bawat letra't mga salitang isinusulat ko
Ay mga dahilan ng pagluha ko
At siya ring dahilan ng pagtawa ko
Pagiging masaya ko
Pagiging malungkot ko
At pangungulila ko
Di ko alam kung bakit ako nagkakaganito
Oo, tanggap ko na merong kayo
Oo, tanggap ko na siya ang mahal mo
Oo
Oo tanggap ko
Oo tanggap ko pero di ko alam kung bakit ganito...
Di ako alam kung bakit ako nagkakaganito
Bakit ganito ang nararamdaman ko
Bakit pag naiisip kita naluluha ako?
Bakit pag nakikita kita naluluha ako?
Bakit pag nakikita ko kayo naluluha ako?
Bakit pag narerealize ko na siya talaga ang minamal mo
Naluluha ako...
Naluluha ako at di ko na yun gusto
Ayoko ng lumuha ng dahil sayo
Ayoko ng magsayang ng luha para sayo
Ayoko ng panghawakan pa 'to
Ayoko na ng ganito...

Ayoko na...
Ayoko na...
Ayoko ng lumuha
Kaya't ayoko narin munang gumawa ng tula

~Luha
By: JonMakuDesu

S.O.S (Screams Of Silence)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon