Bakit Mo Ako Sinayang (2)

52 1 0
                                    

Bakit mo ako sinayang?
Bakit sakin mo tinatanong yan?
Sino ba satin ang unang nang-iwan?
Sino ba satin ang nakipaglandian?
Sino ba satin ang maraming kamay na hinahawakan?
Sino satin ang maraming katawagan?
Sino satin ang talagang nagsayang?
Ako ba?
Ako ba ang may boyfriend na pero naghahanap parin ng iba?
Ako ba?
Ako ba na walang ibang ginawa kundi mahalin ka
Walang ibang ginawa kundi tiisin ka
Walang ibang ginawa kundi tanggapin ka
Kahit alam kong hindi ka faithful sa kung anong nararamdaman
Wala akong ibang ginawa kundi magbulag-bulagan
Magbulag-bulagan
Magbulag-bulagan kasi mahal ka
kasi mahal kita
Kaya't hindi kita sinayang
Hindi ko nalang kayang magtanga-tangahan
Kaya ngayon walang sisihan
Dahil ikaw naman talaga ang nagsayang
At ako ang syang tunay na sinayang

~BakitMoAkoSinayang(2)
By: JonMakuDesu

S.O.S (Screams Of Silence)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon